Aking Sintang si Olga


Sa Morong,Bataan noong bakasyon;
Nang siya’y aking nakilala
Nang masilayan ko’y humanga nang talaga
Matinis ang kanyang tinig, musika sa pandinig
Ang matingkad na kulay berdeng balahibo, tunay na kaibig-ibig

Sa pag-uwi pa-Maynila ‘di nag-alinlangang siya’y isama
Lumulukso ang damdamin, puso ko ay ubod ng ligaya
Iyon nga lamang mayroon na siyang asawa;
Hindi ko iyon alintana, makapiling ko lang siya

Isang buwan ang lumipas, siya naman ay nabyuda.
Wala akong sala! Marahil ay sakitin lang talaga.
Marami ang nagsabing susunod na rin siya
Ngunit ‘di ako nabagabag at siya’y aking kinalinga

Ganyan ko iniibig ang lovebird kong si Olga.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s