Akinse-katapusan


Akinse-katapusan, may banta ng panganib ang sayaw ng damuhan
Nagbababala ang langitngit ng mga kawayan
Naglipana ang mga tauhang ikinatutuwa ang karimlan
Naglalaway na matanggap ang suweldo ngayong akinse-katapusan.

Habang kalakhan sa masa ay walang inaasahang akinse-katapusan.
Silang magsasaka na kada-anim na buwan lang ang gapasan,
Mangingisda na pumalaot ngunit walang pag-asang may maiuuwi
Kahit ayungin man lang na pang-ulam,
At mga manggagawang kaswal at kontraktwal na
Oo nga’t akinse-katapusan pero kulang pa pambayad utang.

At araw-araw hindi lang akinse-katapusan, ay kumakalam
Ang sikmura ni juan.
Kay taas ng bilihin, mahal ang pasahe, taas presyo ng langis,
Lahat na nagtaas!
Sa kawalan ng katiyakan sa bukas na aasahan,
Gumagapang sa gawaing para-paraan sa araw-araw-
Hindi lang akinse-katapusan.

Samantalang araw-araw din, hindi akinse-katapusan;
Nagpupukaw at nag-oorganisa ang mga gumagampan.
Silang ang dugo’t buhay ay iniaalay sa bayan.

Binibigkis ang masa para sa pantay na hustisya at karapatan.
Nagsusulong ng kagalingan at kahusyan ng lipunan.
Nakikibaka para sa makataong pamayanan.
Tuloy ang pagsulong na nakataas kamao sa araw-araw
Nang walang kumpensasyon tinatanggap,
Habang binabasag ang sistema ng akinse-katapusan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s