Ang Kinabukasan


Nahahawi ang mga berdeng damuhan
Dinig ko ang pagkabasa ng mga buho ng kasukalan.
Sabay baling sa kanan ang aking ulo habang nasa duyan,
Nandirito muli sa aming pangkat ang aking kaibigan.

Ayan na! sabay ngitian ng mga dadatnan.
Mula sa pagkadinig sa kanta niyang may simula pero walang wakas.
May dugo at laman bawat kataga at panambitan
Niyang batang kasama- bata sa pisikal ngunit banat sa karanasan.

“tayong mga bata ay dapat lumaban”, matinis ang kanyang tono.
Habang bitbit nya ang kape, asukal at ang takure.
“Hihintayin nalang ba natin ang mamatay?”
Sabay nakangiti siyang babati sa mga kasamang dadatnan.

“tamang-tama kadua, ngayon ay kailngan ka namin.
Si kas kasi nalulungkot namang muli.
Hinahanap-hanap ang pamilyang iniwanan
At pagpunta sa laot na kanilang kabuhayan”

Magiging seryoso naman ang mukha ng bata,
Sabay haplos sa balikat ng nagdaramdam.
At sandal pa’y ayos na muli.
Tuloy ang talakayan at kantahan ng kantang
May simula ngunit walang katapusan.

Kamay nya’y naka-akbay sa kasamang kanina lang ay malungkot
Sa pakikinig sa masamyo nyang boses gumagaan ang pakiramdam.
Ang tulad nya ang pag-asa ng bayan.
Bagong ginhi ng pakikibaka sa pagkamit ng tunay na kalayaan!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s