Bakit ako Nagpasalamat?


Pumunta ako sa Fort Santiago
Binalikan ang yapak ng kahapon ng bayan ko
Madaming turistang dayo
Natuwa ako
Dahil dito ay may maraming trabaho

Ilang minuto na rin akong nakaupo sa upuan ng hardin de batalla
Nakasandig ang likod habang minamasdan ang estatuwa ni Rizal
Hanggang isang matandang babaeng Aleman ang sa akin ay tumawag
Sa likod niya’y koromata, nakisuyong siya’y litratuhan

Buong gilas kong hinawakan ang kamera niyang magaan
Siya naman ay nagpose na ang kaliwang kamay sa karwahe,
Ang kanang kamay ay nasa baywang
Sumenyas ako ng bilang, siya naman ay nagbantay
Ang pagngiti ay ilang sandaling iningatan

Pinindot ko ang buton, mataas ang araw kaya ang flash ay hindi nasilayan

Binalik ko sa kamay nya ang kamerang magaan
Hindi ko namalayan; ako ba’y nalintikan?
Bakit ko sya pinasalamatan?

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s