Habilin Bago ang Paglalakbay


Hindi basta – basta ang gagawin kapag naroon ka na
Kaya dapat makinig ka at nang makaunawa
Mas maigi kung hindi sa oras na dagsa ang tao kung sumakay ka
Sa sobrang siksikan maaaring di ka makahinga

Bago makapasok, mayroon munang gwardiya
Ilabas mo at ipakita ang iyong mga dala
Baka hudas kang may dala ng bomba
Ay! Talagang malilintikan ka

Pagpasok mo’y mayroon doong pila
Usisain mong maigi ang tamang linya
Ayaw na ayaw kong mapa-away ka;
sa hirap ng buhay, mga tao ngayo’y maiksi ang pasensya

Ang pilang iyan ay hindi para magpapirma sa sikat na artista
Ang totoo’y walang emosyon ang taong iyong sadya
Ihanda mo ang iyong barya, kung buo ang dala huwag ka sa una
Pagdating sa dulo ay sabihin mo na kung pasaan ka

Bibigyan ka pagdaka ng card,
hawakan ng maigi’t ituon ang mata
ipapasok mo iyan sa makinarya
may palaso doon masdan mo, iyon ang mauuna

Dahan-dahan lang kapag pinapasok mo na
Dahan-dahan lang at titigan mo para shoot talaga
(Nakakahiya atang pagtitigan ng madla!)
Sa paglabas sa butas ng kard tiyaking madampot ito ng iyong kamay

Maglakad ng kaunti at manaog pababa sa hagdanang gumagalaw
Hinga ka ng maluwag, hinga lang at i-relax ang katawan
Pagkat ang pagsakay ng tren na komersyal, walang oras na di siksikan
Ibalik lang ang paghinga kapag nakababa na mula sa byaheng –
Walang Hingahan.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s