Hibang ang Manunulat


Hibang ang manunulat
Kung ang kanyang obra ay puros pantasya at alamat
Hindi umaalis sa romansa silang mga hibang na manunulat
Sentro ang balliw na pag-ibig sa istoryang mahaba na nagsanga-sanga’t nagsalu-salungat
Nakakulong ang kanyang isip sa isang mapanglaw na gubat
Kung saan ang repleksyon at sinag ng realistang araw ay hindi sumisikat
Mas gusto niyang karakter sila Snow White at Cinderella
Hindi nya ibig makita ang maputik na kamay nila Juan at Maria
Para sa kanya ang mundo ay puros kulay at ligaya
Kahit tanaw nya ang madaming taong natutulog sa bangketa
Mas naaawa siya sa mga punong nabalian ng sanga
Kaysa sa mga taong nangamatay sa gutom at pagdurusa
Sa huli, maiiinis siya kapag nabasa itong tula
Pagkat iyon siya,
Tapat lamang sa pagiging hibang na manunulat!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s