Ina


Kumusta ka na ngayon?
Taglay mo pa din kaya ang ningning at ganda?
Ang pungay ng iyong mata at ngiti mo nariyan pa rin kaya?

Ano na bang balita sa iyo?
May nagsabi sa aking sakal-sakal ka daw ng isang dayo
Gapos ang dalawa mong braso
At pinipigilan pati paghinga mo.

Totoo ba ito?

Kamusta na ang iyong mga anak?
Nasabi din na ‘di tulad dating sagana,
Ngayon ay gumagapang ka na sa dusa.

Hindi nga daw nakakapag-aral
Butod ang tiyan sa dami ng bulate
At walang saplot ang talampakan
Habang silang magkakapatid ay naghahabulan.
Dinig ang kanilang tangis sa gutom, gabi man o araw.

Totoo ba ito?

Pasensya ka na dahil hindi man lang ako makauwi sa atin.
Alam mo namang maging ako ay hirap din.
Ilang buwan na nga ring wala akong lupang matanaw
Puros tubig ang paligid sa patuloy kong paglalakbay.

Ay! Ay! Balita ko din ay panay ang iyong pagtangis.
Pagkat may nag-alipusta sa iyong puri
Patuloy pa rin ba pinagrarausan ka
ng kano, kastila at sakang?
Pati nga daw ang ilan sa mga anak mo ay tulyan ka ng pinabayaan.

Totoo ba ito?

Wala na nga daw ang iyong ganda
Parati ka pang lumuluha,
Marami pa ang paratang sa iyo na hindi maganda
Ngayon ay nasa karsel at naka kadena pati paa.

Marami na nga raw ang nagbago.
Tuluyan ka nang nawalan ng ganang kumain.
Altanghap na nga lang noon,
Ngayon ay isang beses at gasino ka nalang kung pakainin.
Kung sa bagay, sino baga naman
Ang gaganahan sa lugaw at pagdidildil ng asin?
May tubig at ilaw ka nga na alam mong iyo
at sagana ka pero ipinagbibili pa sa iyo.

Ganito na ba talaga kahirap at kagulo?

Kung ganun ay paano at bakit ito nangyari?

Naaalala ko ang yaman ng iyong bukirin.
Mataba ang lupa at malusog ang mga pananim.
Hanggang dumating ang mga dayong sakimat lahat ng ito’y inangkin.

Ang lahat ng nilinang mo ay wala kang napakinabangan.
Pagdakay iniluwas at ngayo’y tinatamasa ng ibang bayan.
Sa ganitong kalagayan patuloy ang iyong paghihirap,
Ang kasiyahan ay salitang hindi mo na tanda.

‘kita mo nga’t pati ako ay lumayo sa iyo.
Ako ay isa lamang sa mga anak mo!
Sa lahat ng ito, ako’y labis na nagpaapekto.
Sa takot at hirap na dinanas
Ay nagpakalayu-layo at iniwan kang nagdarahop.

Ni hindi na nga kita matawag na ina;
At ang mga anak mo’y kapatid kung di iba!
Sa iabgn bayan ako’y nangamuhan.
Kapalitay pagkatuto na kung nariyan ay
Edukasyong idiniktang komersyo at kolonyalisado.

At alam mo ang higit na masakit dito?
Simula pa man ay alam na alam ko ang mga ito
Ang bawat balita at pangyayaring ikinukumusta ko sa iyo.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s