Panaghoy ng Olga


Si Olga, sa panahon ng kanyang pagkapiit sa lungkot at pag-iisa.

Isa akong ibong nasa hawla
Mataas ang pangarap na lumipad,
Ngunit bihag ng takot at pangamba
Bahag ang buntot sa sasabihin ng iba
Walang direksyon ang buhay kundi ang sa iba’y umasa

Nais kong kumawala sa hawla
Matanaw ang mga tanawing ‘di pa nakikita,
Makalasap ng pagkaing ‘di hawig sa karaniwang patuka,
Makapaglaro ng ‘di tulad sa dilaw na bilog na iniikutan ko tuwing umaga

Nalimutan ko na ang pakiramdam ng may kasama
Bihag na nga sa hawla, bihag pa ng pag-iisa
Wala akong naririnig na kapareha ko ang himig
Sayang na sayang ang maganda at matinis kong tinig
Walang magbigay ng halaga sa balahibo kong berde,
Na sa paningin presko at malamig

Minsan nagkalakas loob akong tumakas
Ngunit duwag ang katawang iba ang kinukumpas
Ni hindi maibuka itong dalawang pakpak
Binabagabag ng takot sa peligrong naroon sa labas

Oo! Takot ako at madaling masindak!
Hindi magtagpo ang bawat elemento ng aking kaibunang pahat
Walang magtanggol, heto nga’t maagang nabyuda
Iniwang  inakay ay wala kahit isa

Kung akala ninyo’y tao lamang ang may buhay telenovela,
Kami ring mga ibon ay may malalim na drama
Ang panaghoy ko ay isa lamang sa mga kwentong mula sa uri kong Adarna
Ilang panahon pa’y wawasakin ng bagwis ko ang hawla at ako’y lalaya na!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s