Tigbak


Paano sa damdamin ng tibak ang mawala sa pagkilos?

Para siyang makata na nawalan ng inspirasyon sa pagsulat,
ng paring nahubaran ng abito,
ng pulis-trapikong nawalan ng silbato,
ng karpinterong nawalan ng pako at martilyo.

Para siyang kapeng walang krema,
Kantang walang saliw na tugtog ng gitara,
pelikulang paulit-ulit lang ang eksena,
at pagkaing walang kalasa-lasa.

Sa pagkain  kumbaga sa sinaing, lata,
Kumabaga sa pinangat,walang gata,
Kumbaga sa pancit, walang sahog.
At kumbaga sa binatog, sunog.

Para bang isdang kinaliskisan,
Para bang walang kapa na batman at superman,
Para bang garapong walang laman,
At para bang kambing na sobrang ginatasan.

Tila isang ibong walang pakpak,
Tila kaingero na walang itak,
Tila gasera na walang gasak,
At tila tumirik na sasakyan na walang humahatak.

‘ika nga nila- sa kilusan ay malawak ang mundo.
’ika nga ay malawak ang tanaw mo
Bakit parang ibig ko ding lumayo?
Para naman akong halu-halong walang yelo.

——
Alay sa mga kasamang nagpapahinga.
8-8-12

Advertisements

One thought on “Tigbak

  1. ang ganda ng poem,

    few point to ponder:

    Maganda ang tema, peru baka gusto mo pang ilitaw ang karakter-persona ng isang tibak, ang personal touch para magiging buhay ang persona.

    UNG second stanza, magandang ma idevelop mo pa ang hugis ng Semile.

    Good luck

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s