New Graduates at ang Dadatnang Mundo ng Empleyo

Isa ang buwan ng Marso sa mga pinaka-inaabangan ng mga estudyante. Pagtatapos ito ng school year at pagsisimula ng bakasyon.  Buwan din ito ng pag-martsa para makuha ang diploma ng mga magtatapos.

Tinatayang isang milyong mag-aaral ang magtatapos sa kolehiyo ngayong taon, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).  Madadagdag  sila sa pwersang paggawa ng bansa na ngayon ay  62.84M mula sa kabuuang 92.34M populasyon ng bansa.

Ang malaking hukbo ng unemployed at under-employed

Ipagmamalaki ng PNoy administration na tumaas ng 6.6% ang GDP (Gross Domestic Product) ng Pilipinas.  Pinakamalaki sa buong ASEAN (Association of South East Asian Nations). Pinakinabangan ng pinaka-malalaking korporasyon at iilang elitistang pamilya ang kalakhan ng pagsulong na ito at kakatiting ang nakarating na pakinabang sa mamamayan.

Kaya tinatawag ito na “ jobless growth”.  Nananatiling malaki ang  4.4M walang empleyo at 7.5M underemployed (2012).

Hindi malutas-lutas ang problema sa disempleyo.  Kahit pa sinabi ni PNoy nuong huling SONA na mababa na ang unemployment rate na  6.9% nuong Abril 2012, hindi maikukubling masama ang katayuan ng empleyo sa Pilipinas. Madaya ang paraan ng pag-uulat sa katayuan ng empleyo.  Isinasama sa employed kahit yaong nakasingit lamang ng isang (1) oras na trabaho sa loob ng dalawang linggo sa panahong ginagawa ang sarbey.

Sa isang pag-aaral ng World Bank, kailangang lumikha ang Pilipinas ng 3.5M jobs bawat taon.  Sinabi ni Motoo Konishi, World Bank country director na mula ngayong taon hanggang 2016, kailangan ng empleyo para sa 14.6M.  Imposible ito sa target ng gubyernong PNoy na  1M jobs taun-taon.

 “Job mismatch”:  Paano ito pinakitunguhan ng gubyerno?

“Job mismatch” ang itinuturong dahilan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa hindi pagka-empleyo ng bagong graduates.

Kailangang umanong solusyunan ang papalaking agwat ng akademya sa industriya sa pamamagitan ngcorporatizationpartnership with business sectors at pagdi-develop ng mga kurikulum sa mga unibersidad kasama ang mga pribadong negosyante. Sang-ayon ito sa framework ng Private-Public Partnership ng kasalukuyang administrasyon.

Napapagtibay ito ng mga probisyon at batas tulad ng R.A 7224 o “Higher Education Act of 1994” na nagbigay sa CHED ng tungkuiling bumuo ng mga patakaran, pananaliksik, development plans at iba pa para iayon sa hinihingi ng negosyo ang disenyo ng pagpapatakbo nito sa Higher Education System ng bansa. Kasabay ng pagpayag sa mga state-run universities na maglunsad ng joint-venture agreements sabusiness sector para makapag-generate ng income para sa mga unibersidad.

Kakulangan sa budget ng state universities and colleges (SUC’s) ang nag-udyok sa mga unibersidad na higit pang palakasin ang impluwensya ng business sector sa maraming transaksyon, programa at disenyo ng antas kolehiyo sa bansa.

Halimbawa dito ang Memorandum of Cooperation ng CHED sa Management Association of the Philippines(MAP) na nagbigay-laya sa pribadong sektor na impluwensyahan ang tutok ng mga unibersidad sa mga kursong hinihingi ng pandaigdigang merkado.

Nagli-link ito sa kanila at sa unibersidad para sa  apprenticeship o pre-employment trainings ng mga estudyante  sa aktwal na trabaho sa mga pabrika at empresa na sa esensya ay mekanismo sa pagtitipid ng kapitalista na kumikita pa sa mga binabayad ng mga estudyante sa trainings kahit pa aktwal na silang nagtatrabaho.  Kasabay nito ang pagdivelop ng kurikulum ayon sa hinihinging demand ng lokal at dayuhang merkado.

Para pa rin maibsan umano ang problema sa “job mismatch”, inilunsad ng DOLE ang pagtutulungan ng mga pribado at pampublikong unibersidad at kolehiyo sa “Project Jobs Fit” o ang paggabay sa mga mga kursong dapat pinapalakas at hinihikayat para tiyak na may trabaho mapapasukan pagka-graduate.

Sa taong ito dapat daw tutukan ang mga kurso na may kaugnayan sa agrikultura tulad ng agro-forestry, agricultural engineering, agribusiness, agri-technology, agri-entrepreneurship at fisheries. Idinagdag din ang information and computer technology, veterinary medicine, broadcast technician video graphic artistry ateducation.

Walang tiyak na trabaho sa bayang walang tunay na pambansang ekonomya

Pangangailangan sa labas ng bansa ang nasa isip ng gubyernong PNoy kaya mismatch ang tinukoy na problema.  Pagpapakita itong trabahong overseas o kaugnay ng mga negosyong mula sa labas gaya ngbussiness process outsourcing (BPO) at mga call centers ang inaasahang lulutas sa problema ng lumolobong unemployment.  Malaking bahagi rin ng target na empleyo ang pag-eksport ng higit na dumadaming manggagawang Pilipino (OFW).

Pero hindi naman sana dapat na iasa sa labas ang pagbibigay trabaho sa lumalaking pwersa ng paggawa ng ating bayan.  Dapat nilulutas ito sa loob ng bayan lalo’t malaki ang potensyal kung ang titingnan ay ang kabuuang rekurso ng Pilipinas bilang tuntungan ng pagpapaunlad.

Ang problema, walang plano ang gubyerno na itindig na isang tunay na pambansang ekonomya.  Umaayon lamang ang mga programa nito sa ekonomya sa disenyong neoliberal.  Pagbibigay luwag ito sa mga negosyong dayuhan na sa kalakhan ay portfolio investments ang ipinapasok sa bansa. Kaunting trabaho lamang ang nililikha, walang naisasaling teknolohiya at grabe kung humigop ng ganansya sa bansa.

Madalas na ibida ni PNoy ang malaking potensyal ng BPO.   Walang katiyakan kung hanggang kailan ito sa Pilipinas.  Mababa ang sahod kung ikukonsidera ang napakalaking health risk, at tulad ng maraming trabahong mapapasukan ngayon, kontraktwal ang empleyo rito. Nangangako din siya ng job creation sa infrastructure at tourism.

Walang matatag na programa ang gubyerno sa pagpapaunlad ng industriya na siyang maaasahang iempleyo ng maramihang lakas paggawa at siyang magsusustini sa agrikultura. ###

Advertisements

Mapanghalinang Kuliglig sa Nagmumurang Kamatis

Nauuso ngayon ang nagmumurang kamatis…

at mga palakang naglalandi sa tubig.

Siguro’y dala ng nagliliyab na alinsangan at init

sa maghapong nag-uulayaw

ang kiskisan ng mga pakpak

ng mga halupirot na balang

sa lilim ng sanga

ng punong acasia.

Nagmumura ang mga kamatis

sa panahong nagnu-nuestra

ng pagtanggap at pangingiliti

ang kuliglig na walang muwang

sa gitna ng pagkakataong

sinadyang itinakda.

Sa huli’y matutuklasan nya na rin ang kabulukan

ng nagmumurang kamatis;

sa panahong inagaw na ng tuluyan

ang kanyang mundo bilang paslit.

Ang mga New Graduates at ang Dadatnang Mundo ng Empleyo

Anyare ang kasabihang Edukasyon ang Susi sa Magandang Bukas?Sa buong taon, isa ang buwan ng Marso sa mga pinaka-inaabangang yugto sa buhay ng mga estudyante. Hudyat kasi ito ng pagtatapos ng taong pampanuruan para sa pagsisimula ng bakasyon para makapaghanda sa panibagong taon ng pag-aaral o kaya naman ay buwan para mag-martsa para makuha ang diplomang simbolo ng pagtatapos sa pag-aaral.

Ngayong taon, tinatayang humigit kumulang sa isang milyong mag-aaral ang magtatapos sa kolehiyo ayon sa tala ng Commission on Higher Education (CHED). Sila ay madadagdag sa papalaking lakas-paggawa ng bansa na ngayon ay nasa kabuuang 62. 84 Milyon mula sa 92.34 Milyong kabuuang populasyon ng bansa.

Ang malaking tanong ay kung saan mapupunta ang mga bagong graduates na ito sa pagpasok nila  sa mundo ng empleyo?

Kamakailan lamang ay naglabas ng pahayag ng pagkabahala ang DOLE (Department of Labor and Employment) tungkol sa lumalaking “job mismatch” sa aktwal employment oppurtunity ng mga newly graduates kaiba sa kung ano ang kanilang tinapos na kurso sa kolehiyo.

Sa kabila ng pagmamalaki ng P.NOY administration na tumaas ng 6.6% ang GDP(Gross Domestic Product) ng Pilipinas na pinakamalaki sa buong ASEAN (Association of South East Asian Nations), ay tayo naman ang may pinakamalaking “ jobless growth” mula sa 4.4 Milyong unemployment rate at 7.5 Milyong underemployed.

Ang itinuturung dahilan dito ay ang pagiging magkalayo ng produced graduates ng akademya sa hinihinging demand ng negosyo at merkado. Kung kaya kailangang umanong solusyunan ang papalaking gap ng akademya sa Industriya sa pamamagitan ng corporatization, partnership with business sectors at pagdivelop ng mga kurikulum sa mga unibersidad kasama ang mga pribadong negosyante. Ito ay sang-ayon sa framework ng Private-Public Partnership ng kasalukuyang administrasyon.

Napapagtibay ito ng mga probisyon at batas tulad ng R.A 7224 o “Higher Education Act of 1994” na nagkakaloob sa CHED na bumuo ng mga polisiya, pagsasaliksik, development plans at iba pa para iayon sa hinihingi ng negosyo ang desinyo ng pagpapatakbo nito sa Higher Education System ng bansa. Kasabay ng pagpayag sa mga state-run Universities na maglunsad ng mga joint-ventures agreement sa mga business sectors para makapag-generate ng income para sa mga unibersidad.

Ang papalaking kaltas sa budget ng mga SUC’s (State Universities and Colleges) ang nag-udyok sa mga Unibersidad na higit pang palakasin ang impluwensya ng business sector sa maraming transaksyon at programa at disenyo ng Mataas na Edukasyon sa bansa.

Katulad na lamang ng buuhin ang Memorandum of Cooperation ng CHED sa MAP (Management Association of the Phlippines) kung saan binibigyang laya ang pribado at mga negosyante na impluwensyahan ang tutok ng mga Unibersidad sa mga kursong hinihingi ng pandaigdigang merkado; pagli-link sa Unibersidad para sa  apprentice o pre-employment trainings ng mga estudyante  sa aktwal na trabaho sa mga pabrika at empresa na sa esensya ay mekanismo para sa pagtitipid ng kapitalista at  para kumita pa mula sa mga binabayad ng mga estudyante sa kanilang mga trainings.  Kasabay ng pagdivelop ng kurikulum ayon sa hinihinging demand ng lokal at dayuhang merkado.

Para maibsan umano ang problema sa “job mismatch” ay inilunsad ng DOLE ang pakikipagtulungan sa mga pribado at pampublikong Unibersidad at kolehiyo na “Project Jobs Fit” o ang paggabay sa mga estudyante at kolehiyo sa kung anong mga kurso ang dapat pinapalakas at pinanghihikayat  para tiyak na may trabaho silang mapapasukan pagka-graduate. Sa taong ito dapat daw tutukan ang mga kurso na may kaugnayan sa Agrikultura tulad ng Agro-forestry, agricultural engineering, agribusiness, agri-technology, agri-entrepreneurship at fisheries; Information and Computer Technology, veterinary medicine, Broadcast Technician Video Graphic Artistry at Education.

Hindi nakakapagtakang sa agrikultura naka-sentro sapagkat ito ang kailangan ngayon ng global na merkado pangunahin sa mga bio-fuel source na mga pananim tulad ng Jetropa, palm tree, mais at niyog at pagkaing halaman tulad ng trigo, poultry at piggery, prutas, asparagus at iba pa na kailangan ng maraming mga bansa sa mundo na may kakulangan sa supply sa pagkain.

Kaya saan ang tunguhin ng mga bagong graduates ngayong taon?

Dahil ang kurikulum ay nakadisenyo para sa kahingian ng merkado, at ang mga mag-aaral ay hinuhubog sa akademya para maging pleksible, maamo at mura ang lakas-paggawa (Embourgeiosment, Immiseration, Commodification – Marxism Revisited: A Critique of Education in Capitalist System); hindi nahuhubog ang kabuuang potensyalidad ng mga mag-aaral para tingnan ang sarili bilang bahagi ng kolektibong pag-aambag sa pagpapaunlad ng lipunan.

Ang pagtingin sa mag-aaral bilang kalakal at na ang edukasyon ay dapat nakaugnay sa social relations at demand ng capitalist market ayon kay Dave Hill, Nigel et al. sa  librong Embourgeiosment, Immiseration, Commodification – Marxism Revisited: A Critique of Education in Capitalist System; ay nagpapakitid umano sa values system ng edukasyon bilang magsisilbi sa interes ng negosyo lagpas sa interes at kapakinabangan ng lahat.

Kung kaya mula dito ayon kay Prof. Simbulan ng University of the Philippines, ang edukasyon ay nagtuturo ng  maling values formation sa mga estudyante ng pagiging competitive, makasarili at makitid  imbes na mag-ambag para sa kabuuang pag-unlad ng bayan. Makikita ito sa papalaking bilang  ng mga OFW (Oversees Filipino Worker)  na ngayon ay nasa 10.5 Milyon, na taun-taon ay nadadagdagan pa dahil sa kakulangan ng opurtunidad sa empleyo dito sa bansa.

Samantalang, patuloy na hindi natututukan ng pamahalaan ang productive forces sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Sa huling datos ay lomobo ang service sector sa 45. 9 kumpara sa Industriya na 34 at agrikultura na nasa 20 porsyento lamang sa kabuuang GDP. Nasa serbisyo ang 51.8% ng trabaho at malayong napag-iiwanan ang agrikultura sa 32.2% at industriya sa 15% gayong hindi ito produktibo dahil hindi ito lumilikha ng bagong halaga para sa sirkulasyon ng produksyon- mula produksyon tungong konsumpsyon pabalik sa produksyon. Hindi nakakapagtaka kung bakit atrasado, maliitan at hindi regular ang empleyo na nakukuha ng marami sa mga manggagawa sa serbisyo.

Ito ang haharapin dilemma ng mga bagong nagsisipagtapos ngayong taon – ang masadlak sa isang lipunang walang malinaw na direksyon para mamaksimisa ang kanilang mga potensyalidad at husay na nahubog mula sa apat o higit pang taong ginugol sa mga Unibersidad. Sinadya ng sistema na ang marami sa kanila ay mauwi sa kawalan ng empleyo at madagdag sa papalaking hukbo ng reserbang paggawa upang makontrol at mapahina ang mga organisadong hanay ng mga manggagawa na huwag maggiit ng kanilang mga makataong interes dahil sakali mang magprotesta sila ay napakarami namang reserba ang nagnanais makakuha ng trabahong mayroon sila.

Sa gayon ay makinis na mapapatupad ng mga negosyante ang iskema ng kontraktwalisasyon, kaswalisasyon at pagbuwag sa anumang organisasyon ng mga manggagawa sa layuning higit pang magkamal ng tubo at kita mula sa mga ito. Ito ang dadatnang anarkiya sa produksyon ng mga bagong nagsipagtapos.

Kung kaya sa kabuuan, hindi na relevant ang kasabihang “ang edukasyon ang susi sa tagumpay at magandang buhay” sa ganitong kaayusan. Sapagkat dinikta na ang silbi ng edukasyon para sa interes ng negosyo at pribadong sector sang-ayon sa neo-liberal na disenyo.

Ang tanong nalang ay hahayaan ba ng mga bagong nagsipagtapos na mga mag-aaral na dagdag sa lakas-paggawa na magpatuloy ang  ganito o gagamitin nila ang kanilang husay at talino para ito mapagbago patungo sa isang kaayusang kagalingan at interes ng lahat ang laging isinasaalang-alang.

 

 

Huwag mong sabihing Simpleng Araw lang ng Babae ang Marso 8

womenBukas- Marso 8, ay hindi lamang simpleng araw ng mga kababaihan kundi pandaigdigang araw ng mga kababaihang Manggagawa na pinangunahan ng mga sosyalistang kababaihang lider tulad nila Rosa Louxemberg at Clara Zetkin ng Europa, para isulong ang pantay na mga karapatan sa pagboto, akses sa trabaho, 8 oras na paggawa, panlipunang serbisyo at pagtutol sa anumang porma ng diskriminasyon, karahasan at pang-aapi.

Tapusin ang sapin-saping pagsasamantala sa kababaihan- uri, nasyon at kasarian. Kamtin ang isang malaya at lipunang may pagkakapantay-pantay! Pagpupugay sa lahat ng mga kasamang kababaihan na tagapanday ng isang maunlad na bukas! 🙂

Paniningil

Malamig ang ihip ng hangin isang gabi ng oktubre pero mas malamig ang nadaramang magkahalong kilabot, takot, galit, at paninisi sa loob m

Paniningil

o. Nanginginig ang buo mong katawan. Hindi mo maramdaman ang bawat hakbang ng iyong paa at ngatog ng tuhod dahil nasa kawalan ang iyong isipan habang paakyat ng pader papuntang bubungan ng isang bungalow’ng bahay ni nanay Dolor.

Wala kang ibang iniisip kung hindi si Yami. Si Yami na kani-kanina lang ay kasa-kasama pa ng inyong grupo wala pang apat na oras ang nakakaraan. Ngayon ay alas-10 na ng gabi pero parang napakalayo na ng ikinilos ng mga kamay ng orasan.

-tol alis lang muna ako. Kailangan kong maimiting ang sangay sa barrio Matictic, Paalam ni Yami.

-tol kailangan mo ba talagang imiting sila sa ganitong sitwasyong may kainitan?

-babalik din ako kaagad tol. Idaos ko lang ang pulong tapos mag-aasikaso ng paktura natin.

-o sige tol. Tantyahin mo ang area at magmatyag sa mga kilos.
Kaninang buong maghapon lang ay tatlong gunggong ang itinumba ng team kaya tiyak na makilos ang mga bopols sa
buong bayan para hanapin ang grupo. Sikat na naman kayo sa masa. Napasabay ka sa malakas na tawa ni Victor habang ninunuestra kung paano nya pinuruhan yung isa sa mga gunggong kanina sa target area. Masaya kayong lahat dahil walang nangyaring aberya sa assignment. Ngayong gabi sana ay pahinga nalang tapos maghihintay ng atas sa kailangang bulabugin sa bayan para madivert ang atensyon ng mga bopols at huwag isiping may malaking kaganapan ang pang-rehiyong komite sa taas.

Bukas ng umaga iniisip mo na sanang sumilay kay Lara, isa ring barkada, dahil dalawang linggo na rin kayong hindi nagkikita. Sa kabilang bayan lang naman siya paniyak mo kaya madali kayong magpapanagpo.

Si Victor at Jeremy ay papayagan mo din sanang makipamyesta sa barangay Sto. Rosario bukas ng hapon at nang makakain naman kayo ng masarap na karne ng aso pampainit sa malamig na sikmura. At kayo ni Yami ang magkasama na pupunta sa area nila Lara. Ikaw kay Lara, siya naman kay Sam.

Matatandaan mo bigla, simula pa bata ay magkasama na kayo ni Yami. Magkaklase kayo sa isang rehabilitation center ng institusyong itinayo para sa mga anak ng mga barkada na namatay o nakulong o di kaya nabaldado sa maraming dahilan ng paggampan sa gawain. Madali mong nakasundo si Yami dahil parehong barkada ang mga magulang nyo. Magkatulad din kayo ni Yami na maagang namatayan ng ama. Kaya lang magkaiba ng kinamatayan at kung sino ang pumatay.

Ang tatay mo ay namatay sa engkwentro sa pagitan ng mga bopols at ng barkada ng tatay mo. Ang tatay naman ni Yami ay pinatay ng barkada dahil naging makapili. Pero ganun pa man, walang masamang tinapay si Yami sa barkada. Ang totoo ay napakalaki ng pagpapahalaga nito sa organisasyon.

Simula noon ay naging sanggang dikit na kayo ni Yami. Naputol lang ang pagsasama nyo nung nagpasya kang tunguhin ang ibang arena ng barkadahan. Doon sa lugar na mas matalik mong kaibigan ang bakal kaysa sa barkada, dahil ito ang depensa at opensa mo anumang pagkakataon.

Nagulat ka nalang isang araw, mahigit dalawang taon ka na noon sa CS nang makita mo uli si Yami. Doon na rin pala sya nadestino at nasa gawaing underground na rin pala sya ngayon. Mainit ang kamayan ninyo ng matalik mong kabarkadang matagal mong hindi nakita. Sa pagkakita sa kanya, ay ngayon mo na nga lang napansin na nagmature na pala kayo ngayon mula sa dating uhuging mga bata sa rehabilitation, ngayon ay mga barkada nang gumagampan ng isa sa pinakamahirap na responsibilidad sa organisasyon.

Team lider ka na noon sa Semi-Ligal sa buong bayan ng Candelaria, at dahil malapit kayo ni Yami ay ipinasok sya sa Team nyo bilang Political Officer ng Unit. Napuna mo kaagad sa isang linggo pa lang na anlaki ng naitutulong ni Yami para sa pagpapa-angat ng kamulatan ng mga barkadang lokal sa team nyo. Alam mo din kasing mas mahusay sa teorya si Yami kaysa sayo kaya ikinatutuwa mong nasa yunit nyo sya naipwesto.

Kinabibiliban mo rin ang kasipagan ng barkadang si Yami. Kahit anong oras basta gawain ay nakahanda itong suyurin ang kahit na pinaka-looban ng bayan para pulungin at pakilusin ang masa. Katulad ng kaninang nagpaalam sya na aalis sandali. Ang sabi ay pupulungin lang daw ang sangay sa barangay Matictic. Ang totoo ay hindi nga ang sangay ng barangay ang pupulungin nya kundi sangay lang sa isang baryo at kung tutuusin ay hindi na kailangan pang andun sya pero pumunta pa rin.

Hindi naman sa matigas ang ulo ni Yami kundi gustong-gusto nito ang makisalamuha sa masa at gumampan ng gawain. Alam mong ito ang motibasyon ni Yami kaya napapayag ka na rin sa paalam nyang umalis sandali. Napapayag ka kahit pa may parte sa isip mong hindi dapat pinalabas dahil mainit ang sitwasyon sa labas ngayong may tatlong gunggong kayong pinatumba.

Bandang alas-7 y kinse ng gabi may tatlong putok kayong narinig. Hindi kalayuan sa tinutuluyan nyo ang pinaggalingan. Nag-alerto kayo bigla. Nag-tiger jump si Jeremy papunta sa pack nya. Si Victor naman ay sumilip sa siwang ng nakasaradong bintana.

Lahat kayo ay nakiramdam.

Nakita ni Victor ang mga unipormadong mga bopols sa kabilang kalsada sa tapat ng pinupwestuhan ninyo. Biglang nanlake ang mata ni Victor sa takot na sumenyas sayo na may mga bopols sa labas. Humigpit ang kapit ni Jeremy sa kanyang laruan. Ikaw naman ay pinag-aralan ang gagawing aksyon.

Patay na! Mako-corner kami dito, walang pinto sa likod ng bahay.
Sumenyas ka sa dalawang kasama na huwag lumikha ng anumang ingay at maging kampante.

Dinig na dinig nyo ang utos ng isang opisyal ng mga bopols sa labas.

-Hanapin nyo. Tiyak nandito lang ang mga kasama nung tarantadong napuruhan natin.

Kinabahan ka nung marinig yun. Naalala mong bigla na hindi pa nakakauwi si Yami. Nangangamba kang baka may kung anong masamang mangyari kay Yami.

May kinse minuto ding hinalughog ng mga bopols ang mga kabahayan sa pagtawid sa kalsada na tapat ng inyong puwestuhan. Nilulukot mo pa ng husto ang iyong isipan sa kung anong prente ang pwede ninyong magamit sa oras na katukin ang mismong pintuan ng inyong kinalalagyan.

Alam mong mahusay ka sa ganoon. Ilang beses na bang nangyari na ikaw pa ang napagtanungan ng mga bopols kung may kilala ka bang Ka Tom nang hindi nila mapaghahalatang ikaw na pala ang hinahanap nila?

Minsan nga may dala ka pang laruan sa gilid mo nang masalubong ka ng isang platoon ng mga bopols sa feather road nang walang tanung-tanong ang mga bopols na pinadaan ka ng malaya. Sa bagay sa isip mo, paano naman nila ikaw mapaghihinalaang kasapi ng kabarkadahan e nakakaawa tingnan ang malaki at maugat mong mata na tila laging kakagaling lang sa pag-iyak. Medyo hukot pa ang likod na para bang walang kalakas-lakas ng loob na para bang puro hiya sa katawan ang meron.

Pero takang-taka ka dahil wala kang maisip na magandang prente ngayon sakaling kumatok ang mga bopols. Ginagambala ka sa kaligtasan ni Yami – na sa mga oras na iyon ay hindi pa nakakauwi.

Nakahinga ka nalang ng maluwag nang sumenyas si Victor na paalis na ang mga bopols. Ang pakiramdam mo ay parang bukal na tumining matapos malabusaw ng ibinagsak na tamburaw (pansalok ng tubig).

Tahimik ang lahat. Walang imikan habang matamang nakaupong nakalapat ang puwet sa sementong sahig. Nakikiramdam pa rin nang biglang may kumatok sa pintuan. Malakas na katok sunud-sunod sumabay sa malakas na kabog ng dibdib ng tatlong nasa loob ng bahay.

Ikaw ang tumayo para pagbuksan ang pinto. Pilit kinampante ang sarili at pilit hinalukay sa bawat kulubot ng utak kong anong magandang prente.

Pagbukas na pagbukas ng pinto nangusap ang halos aatakihin sa pusong matandang nakasalakot na si Tandang Domeng- isang myembro ng sangay sa Matictic.

-Ka Tom si Ka Yami pinatay ng mga kaaway!

-Ano po?! Pumasok kayo sa loob Tatay Domeng.

-Nasundan kami papunta dito. Mukhang may nag-tip sa kaaway. Pinasama ako ni Yami dahil may dala kaming pagkain nang biglang hinabol kami. Target pala si Yami. Naghiwalay kami ng direksyon. Mas kabisado ko itong lugar kaya nakakubli ako kaagad dyan sa bahay ng pinsan ko dalawang kanto mula dito. Tatlong beses sya binaril sa dibdib dyan sa kabilang kanto sa tapat ng lugar na ito pagtawid ng kalsada.

Parang binuhusan kayo ng malamig na tubig sa masamang balita. Kaagad kayong umalis sa lugar at pinauwi na ang nakikinig sa nerbiyos na si Tandang Domeng.

Hindi ka makapaniwala sa balita. Wala ka sa iyong sarili. Hindi mo namalayan ang paghinto ng pinarang tricycle ni Victor na magdadala sa inyo sa isang baseng bubong sa Dinahican. Hindi mo na nga din namalayan ang pagdating at paghinto ng tricycle sa bababaang lugar.

Saka ka na lamang natauhan nang mapaso ang dila ng mainit at umuusok na kapeng tinimpla ni Nanay Dolor- ang may-ari ng bahay.

-makinig kayo Jeremy, Victor! Pumasok kayo ngayon din sa tropa. Magreport kayo kay Ka Manding ng nangyari. Babalik ako ng bayan para makibalita sa pinagdalhan ng bangkay ni Yami.
Mas lalong namula at nagsilitawan ang mga ugat sa mata mo. Ang kaibahan lang ay hindi mata ng isang nakakaawang nilalang ang mga matang iyon kundi mga mata ng isang mapaghiganti at naghuhurumintadong mandirigma.

Malamig ang ihip ng hangin ng oktubre pero mas malamig ang nadaramang magkahalong kilabot, takot, galit, at paninisi sa loob mo. Nanginginig ang buo mong katawan. Hindi mo maramdaman ang bawat hakbang ng iyong paa at ngatog ng tuhod dahil nasa kawalan ang iyong isipan habang paakyat ng pader papuntang bubungan ng isang bungalow’ng bahay na inyong pinag-atrasan.

-Patawad Yami sana hindi na kita pinayagang umalis. Sana buhay ka pa ngayon tol. Putang ina!!!!

Kinuha mo ang radio at kumonek kay ka Manding…

-Alpha magpapa-alam sana ako. Gigimik lang ako ngayong gabi.
Sabay baba ng radio at hithit ng sigarilyo.

Dali-dali ka ring nagpaalam kay nanay Dolor. Nagsindi ng mumurahing sigarilyong Mighty na malatalahib ang lasa para painitin ang katawan pangdepensa sa lamig ng gabi. Ikinasiya ng iyong lalamunan ang gumuhit na gasgas mula sa paghigop ng usok mula sa mumurahing sigarilyo. Ikinasiya mo dahil may ibang parte ng katawan ang nasaktan hindi na lamang ang kaisipan sa pagkamatay ng isang kaibigan, kabarkada, kababata.

-Putang ina nyo!!!!!!!! Putang ina nyo!!!!!!!!!!! Magbabayad kayo mga
bopols, mga gunggong, mga kaaway!!!!!!

Sa gitna nang madawag na bukirin ni nanay Dolor papuntang kalsada, sumanib sa ihip ng hangin ang iyong bulong patungong sigaw na pagsasambulat.

-Bago matapos ang gabing ito, may limang sagadsaring gunggong at bopols ang biglang huhusay sa pag-intindi ng kung ano ang mangyayari sa kanila. Sa gabing ito ay maniningil ang rebolusyunaryong kilusan ng pautang.###