Isda na si Gloria


Bihira na ngayon ibalita kung ano na  ang lagay o ano na ang update sa dating pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo. Ang huli ay nung manalo uli sya bilang kongresista sa 2nd district ng Pampanga gayong kahit minsan ay hindi naman nangampanya. At kahit mas marami pa ang liban kaysa sa pasok sa kongreso nitong nakaraang 15th congress dahil sa kondisyon nya, pilit pa rin nyang isinisiksik ang sarili sa kapangyarihan ng pultika. Ang sabi ay naka-hospital arrest pa rin naman sya sa Veterans Memorial Hospital at namamahinga pero bukod dun, GMAano na nga ba?

Nagulat ako nung malaman na may isang breed pala ng tilapia na ipinangalan kay Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi ko alam kung dapat bang sabihing  ang isdang ito ay in honor of Gloria o simpleng basta ipinangalan kay Gloria. Maraming pagkakatulad ang tilapiang ito sa nasabing dating pangulo: maliit at may batik. Malansa din ang amoy at matabang ang laman.

Nang malaman ko kung ano pa ang mga katangian ng isdang ito, hindi na ako nagulat: peste kung ituring ng mga mangingisda dahil kumakain ng maliliit na isda at semilya ng iba pang kapwa tilapia. Dumadami kahit hindi alagaan. Manginginain ng pagkaing para sana sa mga native na tilapia, bangus at sugpo. Dahil dito, mas dadami ang lahi ng mga gloria sa palasidaan hanggang maubos ang mga dapat sanang dumami na isda para ibenta sa merkado. Gloriang-gloria nga!

Kaya kung sa sunod na may magtanong kung nasaan na nga ba si Gloria, mabilis ang sagot ko ng ganito: naroon sa palaisdaan namimerwisyo!

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s