Kuliglig


KuligligPwede sa Haywey, pwede sa bukid,

Ihanda ang iyong puwet sa uuntul-untol nating trip;

makaluma man daw itong kuliglig,

napakalaki naman ng gamit-

mga ani nati’y ihahatid sa kamalig,

at bukas makalawa sa pagbilog ng buwan,

sisimulan naman ang pag-araro sa bukid.

Mabagal man ang ating lunday,

at tanging ang ilaw-dagitab ng buwan ang tanglaw;

lulan nito’y yayao tayo.

Tanaw ang malawak na tanawin nang buung-buo-

malayang-malaya sa byaheng ito.

Maya-maya lang hindi mo pansin,

sa dahan-dahan at unti-unti nating pag-usad,

nalilibot na natin ang mundo.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s