Buntong – hininga


ni Eduardo Calasanz

Hindi mahuhugasan
ng beer o hinebra
Ang mga bakas ng luha
Sa puso ko at mata.
Nakapagtataka talaga
Kung paano nakasalalay
Ang anumang pag-ibig
Sa maliliit at walang kuwentang bagay:
Mga pagtawag sa telepono
Apat na beses sa isang araw,
Araw-araw;
Ang paghawak ng kamay,
Paghaplos ng pisngi,
Ang pagsandal ng ulo sa balikat
At pagnamnam ng labi sa labi;
Ang madalas na paglabas,
Mga takas, sundo, hatid;
Ang pag-upo-upo sa tabi,
Nagbibiruang walang-saysay,
Nakatutuwang magbabalak
Kung kailan ang kasal
O ilan ang anak;
At marami pang iba,
‘Ika nga.
Kayrupok naman
Ng isang pag-ibig
Na umuusbong, lumalahong madali
Dahil sa isang sulat,
O dahil sa isang ngiti.
Marupok tulad ng buhay,
Tulad ng lahat.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s