Babae, Kaisa Ka!

Ni Danilo Sales Manangan

 

Babae, simbolo ka ng Inang bayan.

 Sa tahanan, alilang sunud-sunuran.

 Tinuring ka mang Ilaw ng tahanan,

Anino mo’y isang madilim na larawan.

 

 Larawan ka ng produktong kalakal:

 Kinakalakal kahit murang katawan.

 Di pa nadala ika’y nangibang bayan.

Alipin na sa sariling bayan, alipin pa sa dayuhan.

 

 Di ka nga lang pampamilya, pang export pa.

 Babae, Magbangon ka – Kaisa ka!

 Babae, Kaisa ka sa lakas at pagkakaisa.

 Kaisa ka sa pagpapalaya ng lahat.

 Babae, kaisa ka!

 

 Ikaw ang  simula.

 Paraiso man sayo ay biyaya,

Parausan naman, lakas mo’t kaluluwa.

 Kung minsan nga’y  gusto mong tumaghoy, dumaing;

 Hindi mo magawa, baka ika’y sampalin.

At magpapatuloy nang malaon kung wala kang gagawin.

 Bawat patak ng luha’y pagpapakumbaba, babae.!

Lumaya sa lipunang mapanghusga.

 Lumaya sa lipunang lalaki ang hari!

 Ipinakikipaglaban ang paglaya, babae!

 Magbangon ka, Kaisa ka, babae!

 

Kaisa ka sa lakas at pagkakaisa…

 Kaisa ka sa pagpapalaya ng Inang bayan…

 Babae, kaisa ka…

Ikaw ang simula, Kasamang BABAE.

Advertisements

Babae, Kaisa Ka!

WomanNi Danilo Sales Manangan

 

Babae, simbolo ka ng Inang bayan.

Sa tahanan, alilang sunud-sunuran.

Tinuring ka mang Ilaw ng tahanan,

Anino mo’y isang madilim na larawan.

 

Larawan ka ng produktong kalakal:

Kinakalakal kahit murang katawan.

Di pa nadala ika’y nangibang bayan.

Alipin na sa sariling bayan, alipin pa sa dayuhan.

 

Di ka nga lang pampamilya, pang export pa.

Babae, Magbangon ka – Kaisa ka!

Babae, Kaisa ka sa lakas at pagkakaisa.

Kaisa ka sa pagpapalaya ng lahat.

 

Babae, kaisa ka!

Ikaw ang  simula.

Paraiso man sayo ay biyaya,

Parausan naman, lakas mo’t kaluluwa.

Kung minsan nga’y  gusto mong tumaghoy, dumaing;

Hindi mo magawa, baka ika’y sampalin.

At magpapatuloy nang malaon kung wala kang gagawin.

 

Bawat patak ng luha’y pagpapakumbaba, babae.!

Lumaya sa lipunang mapanghusga.

Lumaya sa lipunang lalaki ang hari!

Ipinakikipaglaban ang paglaya, babae!

 

Magbangon ka, Kaisa ka, babae!

Kaisa ka sa lakas at pagkakaisa…

Kaisa ka sa pagpapalaya ng Inang bayan…

Babae, kaisa ka…

Ikaw ang simula, Kasamang BABAE.