Hindi alintana, sugat sa paa,
kumikirot na tuhod, balat na natutusta,
sikat ng araw ay hindi hadlang
pagkat nakaukit ang pag-asa sa isipa’t kaluluwa.
Paos man ang boses,
laging sigaw ay pakikibaka.
Sa minimithing tagumpay.
Coco levy gamitin na!
Mahaba man ang lalakbayin.
Bundok, patag, dagat, at anumang lupain.
Magkasakit ma’y hindi patitigilin.
Hangga’t hindi naaabot ang mithiin.
Wala man kami sa inyong tabi
suporta nami’y hindi maikukubli.
Sama-sama hanggang sa huli!
Coco Levy sa magniniyog magsisilbi!
Ipakita natin ang ating lakas.
Kamtin ang liwanag sa malayang bukas!
Paggamit sa Coco Levy huwag ng ipagpabukas!
Kaya’t hindi patitinag, walang kakalas!
-Randy PKMM
Mabuhay sila na lumalakad, naglalakbay
Iniwan ang kanilang pamilya
at muliy ipinaglalaban
ang nakaw na yaman na hindi mapakawalan!
Sa pagpapa-unlad ng Industriya’t agrikultura sa niyugan!
Mabuhay sila na nagmamartsa
sumusulong, nakikibaka.
Para sa pagkakapantay-pantay
Ng masang api, dinudusta.
Mula sa Timog katagalugulan
Taas Kamaong pagsuporta
ang aming ipinararating sa mga kasama
Nagmamartsang may Pag-asa!
Mula Davao hanggang Malacanang
Ipagpatuloy ang laban!
Sampo ng mga kasama sa PKMM
at ng iba pang pamunuan
sa Kilus Magniniyog, Walng kakalas!
-Para sa mga Long Marchers mula sa PKMM anak ng magniniyog at nagkakaisang Kabataan sa ilalim ng bandila ng YND(Youth for Nationalism and Democracy).