Minsan na, Minsan pa


Minsan na, Minsan pa

ni Sarah Jane Espiritu

Minsan nang lumaya

Ngunit

Huwad na kalayaan

Ang nagisnan

Minsan nang ngumiti

Ngunit

Kaligayahan ay hindi

Lubos na naramdaman

Minsan nang sumumpa

Inang bayan ipaglalaban

Ngunit sa pagkabulag

Napako ang paggampan

Nasilaw sa salapi,

Tubo, kita, at pakinabang

Pakikipagkapwa tao

Bigla ay nalimutan

Kaya’t minsan pa

Ay gisingin

Ang puso’t isipang

Matagal na nahimbing

Minsan pa’y kumawala

Baklasin!

Ang tanikalang

Nakagapos sa dukha!

Minsan pang ipaglaban

at angkinin

Na tayo ay isang bansa

Mapagpasya at tunay na malaya!

Hindi baling minsan ka ng nabigo kung pwedeng namang minsan pa ay iyong iwasto ang mga pagkakamali at siphayu. . .

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s