Lampara

Ni Marjorie Trinanes

Tinatahak mong daan,

di mo masumpungan

Pagkat ika’y binubulag,

May dilim ang katotohanan

Sa Iyong pupuntahan,

Siguraduhin mo lamang

Ang tanglaw mong dala

Ang syang mangingibabaw

Ito ang syang liwanag na dala mo

Advertisements

Ulan

ni Pupong Florentino

Bawat dampi ng patak ng ulan

sa aking katawan,

ikaw ang nararamdaman,

puso ko’y naligayahan.

sinong nagsabing ang ulan ay simbolo ng kalungkutan?

sa taong nagmamahal,

ang salimbayang  tagiktik ay musika

ng pagmamahal.

Pag-ibig

ni Pupong Florentino

Dahil sa iyo,

natatanaw ko ang liwanag sa panahon ng sigwa.

Dahil sa iyo,

muli’t muli kong hinahangad ang musika ng bawat ngiti at halakhak.

Ang paglimot sa salitang pag-iisa at lumbay ay ganap na,

dahil sa pag-ibig,

sahil sa iyo – mahal ko.

*para kay e