Takip-silim


ni Sarah Jane Espiritu

Sa dalampasigan kasama
Kung natatandaan mo pa
Sa banayad na hampas ng mga alon

Doo’y inanod tayo ng bawat simulain

Namulat, nakiisa at pumalaot
Batang isipan natin ay gumana sa pag-agos
Nagpundar ng malalim na relasyon sa masa
Hanggang sa tayo’y magpasya

Nagpatuloy sa pagkilos
Dumaloy ang ambag at pag-asa
Ngunit ngayo’y tila bumabaw
Takip-silim sayo’y sumalamin

Mula sa dating sigla
Nalunod ang yong isipan
At muling nagpaalam
Sayo’y palubog na ba ang araw?

Ang araw ng tinatanaw nating paglaya.

Ganunpaman kasama
Magpapatuloy kami sa pagsagwan ng mga tugon
Tandaan mo na hindi pansarili ang paggampan
Masaklaw ang mga usaping labas sayong suliranin

Panghawakan mo sana ang mga karanasan
Matuto kang tumanggap ng puna at kahinaan
Sakripisyo ang paglalayag natin hindi prebilehiyo
Sa kabilang banda ay mag-ingat ka

Matagpuan mo sana ang bukang liwayway
Ang agarang tagumpay na gusto mong makamtan
Sa pagdaong mo sa pampang.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s