PARA NA, PARA SA…

 

ni Sarah Jane Espiritu

Para na muna
Ang patayan sa tabi
Bintang at walang pasabi
Basta sa listahan ika’y kasali

Para na muna ang mga patawa
Kasabay ng pagmumura
Mababang pagtingin sa kababaihan
Gera at karahasan

Para na…

Para sa mga pamilyang naulila
Para sa napakaraming suliranin ng bansa
Para mabigyan pa ng aksyon at solusyon
Ang iba pang isyu ng mamamayan

Para na, Para sa

(Nais ko munang hiramin kay VP Leni)

“Mga nasa laylayan”

 

*Araw-araw kasabay ng traffic at pagod, aabutan mo ang naglipanang balita pagpatay sa mga drug user or pusher at dahilan ng pagkamatay nanlaban. Tanong ko lang, pano natiyak? Tyaka kmusta naman sa mga drug lords and protector nila na silang dapat nahuhuli pero malaya pa na gumagala.

 

Advertisements

Pangarap

ni Leni del Rosario

 

Sinusuong natin ang hirap.fish union.jpg

dahil nangarap tayo,

at patuloy pang mangangarap

nadarapa, nasusugatan,

nagsasakripisyo’t nalalagasan.

ngunit buo pa rin ang pag-asa, ang paglaban!

upang tuluyang

masilayan ang bukangliwayway

sa dulo ng karimlan.

 

dampian ng ngiti ang araw

at marahang kuyumin ang liwanag.

tanganan ang mga gintong silahis

na magbibigay tatag

sa digmaang

ipagwawagi ng mga

nilapastanga’t

binihag

ng balatkayong estadong

hungkag.

 

Kumunidad ng Payong Barangay Kariton

ni Rio Ejercito Mongewalden

Malawak ang salas ni Juana
At esposong si Juan
Kasama ang mga tagapagmanang
Supling sa kalsadang kanilang kanila lang
Malapad ang kwartong pahingahan
Sa bubong na payong at me libreng aircon sa saliw ng barurot ng ibat ibang sasakyan
Sa kahabaang ng Kalayaan
Sila ay nandiyan nakahilata at bulagta
Niraraos gabing lamok ay katabi na din habang ipis at daga sila ay ginagawang kalsadang tawiran
Ang Barangay Kariton sa makabagong PABAHAY ngayon
Puta putakteng sa kalsada kumulumpon
O ngayong eleksyon…
Ating IGANTI ang bagong resedente ng bagong Bayang sa HIRAP AY BINABAON
Sa bawat hakbang at hiningang tayo ay meroon!
Elektoral na Rebolusyon ating iwagayway ngayon!
Elektoral na pag aalsa …
Ating gawin…
Ngayon na!

 

*Ang STEP-Sierra Madre ay sumusuporta sa kandidatura ni Prof. Walden Bello dahil sa malinaw na adbokasiya at plataporma nito sa kalikasan at pagtindig sa mga isyu ng mamamayan.

Sulyap sa Kalikasan

dam

sining biswal ni Lance Galario

ni  Marisol Ungriano

Masaganang kalikasan dapat iniingatan
Kabuhayan ng karamihan ito ang pinagkukunan
Mga sariwang hangin ito ang pinagmulan
Luntiang kapaligiran kay gandang pagmasdan

Ngunit sa kasakiman ng pilipinong naturingan
Nabulag sa kayamanan nawalan ng paninindigan
Putol dito, mina doon ang pamamaraan
Kaya’t mayamang kalikasan nasira ng lubusan

Dating maunlad, ngayon ay napalitan
Limitado na kung turingan ang pinagkukunang yaman
Kawalan at kahirapan ganyan na ang lipunan
Walang malay na taong bayan ngayo’y naaapektuha’t napagbibintangan

Sino ang nagkasala sigaw ng mamamayan
Iringan sa pagitan ng maliit at makapangyarihan
Sino ang sino na dapat parusahan?
Mga mata’y imulat upang ating malaman

Ang mga kagubatan ano na ang kalagayan
Maaliwalas na hangin atin pa bang nararamdaman
Masaganang pamumuhay atin pa bang nararanasan
Nasaan ang katarungan hustisya pa ba’y makakamtan?

Masamang katangia’y ibasurang tuluyan
Tiwalang taglay muling ipagtibay
Pagkakaisa’t, pagmamahalan nawa’y maging gabay
Upang mahal nating baya’y mapayapang tunay!
###

KAUNLARAN

Ni Mark t. Almazan

Naranasan mo na bang lumakad sa isang madilim na eskinita?na halos walang Makita? Nasubukan mo na bang mangibang bayan?na hindi alam ang patutunguhan?
Nagawa mo na bang kumapit sa patalim?
Dahil ang iyong mahal na anak ay nasa ospital at wala nang makain?

Natapatan naba ng halaga ang iyong prinsipyo?
Buhay at buhay ng iba,hindi dahil sa gusto mo kundi kailangan mo
Mayroon na nga sigurong halaga ang lahat ng bagay sa mundong ito,ultimo buhay ng iba ay isusuplong mo para matupad ang iyong gusto!

Nagawa mo na bang tumawa at matulog ng mahimbing sa kabila ng paghihirap ng iba?
Iyan ba ang sinasabing nakapag-aral? edukado?
May narating sa buhay?
Matapos mong pagkatiwalaan, s’ya ding maglalagay sayo sa kapahamakan?

Iyan ba ang kaularan? kaunlarang gusto ng lahat?
Ikaw kaibigan ko? iyan ba ang gusto mong kaunlaran?
Oo kaibigan magsaya kana, dahil bukas makalawa pantay na ang iyong mga paa at marahil nagpapakasasa sa kaunlarang sinasabi nila.

Kaunlaran ba ang pagkakaroon ng artipipisyal na karagatan sa bundok – na anila’y tutugon sa kakulangan sa tubig at elektrisidad? Kaunlaran?
Kaunlarang sa ati’y papatay at magdadala sa atin sa lagi nang peligro?
Anong kaunlaran ang magpapalayas sa libo-libong mamamayan sa kanilang panirahan at lupain-ninuno?

Kaunlaran na nga siguro ang paalisin sila sa kanilang linang at binubugta? Iyan ba nga siguro ang kaunlaran? Ang dalhin sa s’yudad ang mga magsasaka at mangingisda malayo sa kaliaksan ay siya nang kaunlaran. Sa syudad na siyang sementadong gubat!

Maghihintayn ka bang kumulubot?pumuti ang buhok?pati tumurik ang mata ,matamo lang ang kaunlaran?
Magpapaloko kaba sa mga taong mapaglinlang? At manghahamak hanggang sa masupil at maratay?

 

LANCE KATUTUBO

Hihintayin mo nalang ba na ika’y mahimlay sa banig ng karamdaman at halos walang magawa sa mga anak mong lipos dalita sa pagtratarbaho para lang may makain?
Bumangon ka kaibigan at sama sama nating tahakin ang kaliwanagan! Hanapin ang halimuyak ng tunay na kaunlaran. Kaunlarang kaginhawaan ng lahat at hindi ng iilan.

*Si Mark Almazan ay Chairperson ng STEP-Sierra Madre INHS Chapter sa Infanta, Quezon

Kalikasan: Dam nga ba ang Solusyon?

-CAPALONG BOYZ

I.
Anong senyales po ba yan?
Dam daw ang magpapayaman sa ating bayan…
Halika at makialam
Tinanong nyo na ba sa ating sarili,
Kung ano ba ang maidudulot na mabuti?
At pagkatapos ba nito, ano ang mangyayari?

Bakit di natin pagtuunan ng atensyon –
Ang kalikasan na nagbibigay ng lahat ng ginagamit mo ngayon.
Nagtatanong sa aking sarili…
Hanggang kailan lungkot ay mananatili,
at sa mga nagaganap na ‘to, anong sunod na mangyayari?

‘Pagkat ayaw ko nang maranasan ang ganito
Na ako’y umiiyak noong sa bayan natin ay may delubyo
Tama na’ yan, ang sigaw ng aking bibig!
At patuloy na lumalakas kaba sa aking dibdib.

Ngunit wala akong magawa, iba na talaga kung ang kalikasan
Na ang maningil sa ating mga pagpapabaya.
Ngayong mapanirang proyekto ay naka-amba,
Sa pangyayari na ito, karaniwang tao ba’y may mapapala?

Koro:
Pangarap ay abutin
Sana kayo ay magising
Sa mga nangyayari
Hindi dapat panatilihin
Sana po inyong pakingan
Awit pangkalikasan
Inawit ng kabataan
Para sa mga kababayan

II.
Nagdaan na ang ilang taon
Bakit naman baga gan’on?
Wala pa ring nagaganap na pagbabago,
Pangit pa ring sistema ang ating natatamo.

Masdan mo ang paligid
Tingnan mo at nakapinid.
Bagyo dito , bagyo dyan
Tagtuyot at Pagbaha…
Kagutuman at Pagka-uhaw…

Bakit ba nagkaganyan.
Lalong dapa sa kahirapan ang ating bayan.
Ano nga ba ang tunay na dahilan
Parusa mo na po ba ito oh Diyos Ama
Dahil kami’y nagpabaya,
Sa kalikasang sinisira,
Kaya ganito ang aming tinatamasa?
Pagkasira ng ating mundo,
Kaya po bang malunasan
‘Yan ang tanong naglalaro sa aming isipan.

Ulitin ang koro

III.
Dam na naglalakihan
Ay ating tutulan
‘Pagkat di naman iyan ang solusyon
Sa problemang ating nararanasan
Masakit po mang sabihin
Mga naiisip nyo’y mga ilusyon.

Pagkat kung iisipin,
Mayro’n naman tayong sapat na katubigan.
At ang proyektong dam ay magdadaan po lamang
Sa pagkakalakal ng dapat ay serbisyo ng tubig.
‘Wag po kayong makasarili
Isipin nyo rin po ang nakararami.
Malaking epekto sa mga kabuhayan
‘pag natuloy po ang ganyan
Minsan na kami kumain ng hapunan.

Pagkat wala nang pagkukunan
Ng aming kailangan.
Pagkain, Hangin, at Tubig na naggagaling sa kagubatan.
Papayag po ba tayo na dumating pa ang krisis?
Dahil sa maling desisyon,
Ang dating sagana tayo ay bigla sa atin ay ipagkakait.
Alam kong ‘di pa huli ang lahat…
Kumilos tayo bayan,
Iligtas ang kalikasan para sa atin ding lahat.

Ulitin ang Koro

*Isang rap na likha ng mga kabataang miyembro ng STEP-Sierra Madre sa Bgy. Capalong, Real, Quezon

This slideshow requires JavaScript.

Panaghoy sa Limang Elemento ng Kalikasan

ni Elmer Aresgado

 

Hangin, hipan mo paimbulog sa alapaap ang aming pakiwaridownload (15)

na kusang magluluntian ang kabundukan

nang wala kaming ginagawa.

Ulan, linisin mo ang nanuot na mantsa ng pagkakanya-kanya

at pagturing sa tubig-kanlungan bilang bagay-kalakal.

Apoy, tupukin mo hanggang maabo ang kawalang pakialam

sa pandarambong ng likas-yaman ng iilan.

Araw, pagliwanagin mo ang aming isip na bumalik

ang pagkalinga sa kalikasan,

nang muling magbuntis ang lupa

at yumabong ang kagubatang uusbong –

mula sa pagkawala.

Panatang Makakalikasan

This slideshow requires JavaScript.

Ako’y kabataan,

Mahal ko ang aking bayan.

Malakas at bukas ang isipan,

Pangangalagaan ko ang ating kalikasan

Para sa ating kinabukasan.

 

Ako’y kabataan,

Mahal ko ang aking bayan.

Disiplinado at maaasahan –

hindi ko hahayaan,

Ang kalikasa’y pagsamantaahan.

 

Ako’y kabataan,

Mahal ko ang aking bayan:

Aktibo at huwaran,

tungkulin kong protektahan

Ang kaligatasan ng ating inang kalikasan

Para sa kapakinabangan ng ating lipunan;

At hindi ng mga dayuhan at negosyanteng iilan.

 

Ako’y kabataan,

Mahal ko ang aking bayan.

Ang panatang ito’y aking gagampanan.

sa isip, sa salita at sa gawa.

 

 

DAM-DAM-MIN(Damdamin naming Anti-Dam)

ni Sarah Jane Espiritu

Centennial dam ating pigilan
pagka’t ito’y banta sa’ting buhay.
Industriyalisasyon at kaunlaran
ay hindi sa ganitong paraan.

Naninirahan ay palilikasin,
kabundukan ay lalong sisirain,
katubigan ay iigahin
alang-alang sa kikitain.

Kelan kaya tatanaw
sa panlipunang kapakanan,
hindi sa iilang busog ang bulsa at tiyan
na mandarambong ng kalikasan?

Dam dam dam
dambuhalang dam
ating pigilan! ‘wag payagan!
pahirap sa mamamayan
walang pakiramdam!

Creeping in

creepyby Rio Ejercito Monge

Smokes thoughts
Sulking within
lurking death inside of me
Slowly devouring thy sanity
The silent madness
In its triumphant voice
Loudly victors in my head
Seemingly dead by the hour
Crushing inch by inch
My breathe of life
darkness as my companion
With comforts being given
Embracing my deeply disturbed
Soulless existence
Am I to give in….
Am I to welcome death…
Am I to see now beyond the end of my own time…
Creeping
Creeping
Darkness now…
I only see
And have
And had gained me…