Sa Kanayunan

ni Brayn Valenzuela

 

Sa kanayunan

Kay sarap Manirahan

Sariwang pagkain

Malinis na hangin

Simpleng pamumuhay

Sagana sa pananim

Tao’y kay saya

Sa masaganang ani.

Advertisements

Dahil Araw ng Mundo ngayon

ni Sarah Jane Espiritu

Balikan natin ang luntiang layunin
Ang makakalikasang tuntunin
Na nag-uugnay sa atin
Sa pangangalaga ng kalikasan,
Pag-aalay ng panahon at buhay
Pagsalba at pagpreserba
Paghanap ng wastong solusyon
Para sa susunod na henerasyon

Kayat kabataan
Bagamat patuloy sa pag-init ang Mundo
Kasabay ng klimang pabago-bago
Halinat magwasto,
kumilos at makilahok
Bata man o matanda
Bawat isa’y may magagawa
Maging daluyan tayo ng pag-asa
Sa pagkamit ng sustenabling buhay
Na may pagkakapantay-pantay­ at pagmamahal…

Sa Inang Bayan
Sa Inang Kalikasan

Happy EarthDay po sa lahat ng nabubuhay sa ibabaw ng mundo!
-STEP SIERRA MADRE

‪#‎EARTHDAY2016‬
‪#‎NOTOBIGDAMS‬
‪#‎NOTOCOALFIREDPOWERP‬­LANT
‪#‎NOTOLARGESCALEANDDESTRUCTIVEMINING‬
‪#‎NOTOLEGALILLEGALLOG‬­GING
‪#‎GOODPLANETSAREHARDT‬­OFIND
‪#‎LoveEARTHSaveFUTURE‬
‪#‎STEPSierraMadre‬

*Earth Day poem (April 22, 2016)

 

PAKIKIISA SA SELEBRASYON NG ARAW NG PAGGAWA

Maalab na pakikiisa at pagbati sa pagkilos at pagdiriwang ng araw ng paggawa!

Mga manggagawang lumilikha ng yaman ng bansa, silang bulnerable sa pang-aabuso at pananamantala ng lipunan at pagawaan.

Silang hanggang ngayon ay nananawagan ng SAPAT NA SWELDO, MAAYOS AT REGULAR NA TRABAHO ngunit pina-igting pa ng KONTRAKTWALISASYON o ENDO ang kawalang katiyakan sa sapat na sweldo at regular na trabaho ng mga manggagawa.
Sa pag-iral ng sistemang kapitalismo sa merkado, ng mga kapitalistang minamahalaga lamang ang lakas paggawa sa produksyon at pagkamal ng kita ngunit hindi ang mga manggagawa.

Mula sa sektor ng kabataang susunod na lakas-paggawa, susunod na henerasyon ng manggagawa ay taas kamaong nakikiisa sa napapanahon na at napapanahon pang pakikibaka ng uring manggagawa, sa syudad man o kanayunan.

Sama-sama nating isulong ang laban sa hustisya at karapatan, ang pagbaklas sa tanikala hanggang sa paglaya.

Mabuhay ang URING MANGGAGAWA!

-Youth for Nationalism and Democracy Southern Tagalog (YND-ST)

-STEP-Sierra Madre

‪#‎TrabahongRegularHindiKontraktwal‬
‪#‎SigawngManggagawaSapatnaKita‬
‪#‎UringManggagawaHukbongMapagpalaya‬
‪#‎MayoUno1‬

Walden Bello: Ang iboboto kong Senador

ni Yuri Arisgado

 

Ang iboboto kong senador,

may malinaw na plataporma

Galing sa kilusang masa,

may mahabang karanasan sa pakikibaka

at pagsusulong ng isyu at interes ng mamamayan.

siya’y edukador kaya tiyak

na may pagpapahalaga sa edukasyon

at karapatan ng kabataan.

alam din nyang hindi dapat mahalin

at malulong sa kapangyarihan

dahil ito’y tunay na pag-aari ng sambayanan!

Hindi siya si captain barbel,

si pedro penduko

o si nardong putik

o isang messiah…

na magliligtas sa atin sa iba’t ibang suliranin

nating kinakaharap

dahil batid nyang ang tunay na lakas

at tagumpay ay nasa pagkakaisa ng mamamayan.

Magsisilbi syang boses ng hustisya’t katwiran

sa senadong pinaninirahan

ng mga satanas sa lupang ngayo’y naglipana

at nangangampanya;

at nangangako ng langit.

 

12688373_966605630087850_8830860427999856025_n#platapormahindidrama

#alterpolitics

#numero8sabalota

#alternatibongpulitika

Manila was exceedingly hot, humid and grimy. In Tacloban, trees were cut down at the re-settlement areas for typhoon victims, such that the heat gave one migraine. Please plant trees. With tree shade, one can use bicycles and abolish traffic. – Ninotchka Rosca: multi-awarded Filipina nationalist writer, feminist activist

Tulang ayaw Matapos

ni Rio Ejercito Monge

Sa wakas naka kain na ng binatog
Nasiyahan bagamat saglit lang
Lulan ng bus papalapit sa Norte
Byaheng ayaw huminto sa bawat kanto
Ng ala-ala ng mukha ng buhay
Nadaanan mga grasya at disgrasya sa daanan
Mga eskinitang ako ay nakipag habulan kay kamatayan
Katawang binakasan ng literal na pilat
Mga mayor na kalyeng minartsahan at pinasadahan ng daluyong ng pakikibaka sa lipunan
Rough road pa akyat sa sukal sa kanayunan
Habang nakapila pormasyon mga aninong wala ng pangalan ngayon
Ang hindi ko lang nasuutan ay ang tuwid na daan
Kahit anong pilit kong intindihin at aralin maging sipatin kami ay hindi nagkita ni nagkasalubong man lang
Mamaya maya makikiraan bangis ng aking kamusmusan
Nasagi
Nangggigiri
Yan ay hindi na ako
Iyan ay nakaraan
Kahit ano pang pa anyaya mo
Mababasa na lang kitang paskel sa kalye
Wala namang rason para umatras sa paghakbang
Susulong ka lang
Ahhhh
Hindi kita tatambayan
Dadaanan ka na lang at gagawing shorcut na din para maka tawid palabas sa susuungan
Ano mang sakyan sa pupuntahan makarating lang…
Maki angkas
Kobota
Animal na apat na paa
O maglakad
Tumakbo
Patungo duon
Saan man
Lagi lang pasulong
Sa mapa ng buhay na walang katapusan at hangganan
Ako ay sandaling huminto sa alon sa loob ng isip
Nagpatuloy…
Kumain ng binatog
At nahirinan..

Manumbalik

Ni Sarah Jane Espiritu

Nais na manumbalik ang sigla
Halakhak sa umaga, pagmulat ng mata
Babatiin silang kay saya
Bawat umaga may pag-asa

Iiwasang malungkot
Hindi na hahayaang malugmok
Sila’y umaasa na’yan ay makakaya
at muli ika’y makakasama

Gagampan ng may ngiti sa mga mata
Mananatiling kaisa,
Sa simulai’t adhika

Sierra Madre: Ang Dyaryo Natin!

 

ni Sarah Jane Espiritu

Paulit-ulit na usapin at artikulo, PBA: Pulitika, Basketball, Artista; ‘Yan ang pangkaraniwang nilalaman ng mga pahayagan sa ngayon. Kahit ang iba ay walang sense at naitutulong sa mga mambabasa ay patuloy pa ring isinusulat basta ang importante ay makapag-imprenta lamang ng dyaryo alang-alang sa kita at negosyo. Kaya sa kalaunan ay nagiging dahilan pa ito upang idolohin ang ilan sa mga taong kilala at animo’y mga perpekto. Kung ilarawan, purihin, at pagtuunan ng pansin.

Ayon sa  isang manunulat 100% ng mga pahayagan sa Pilipinas, 95% nito ay pinapatakbo ng mga negosyante na ang mga karaniwang negosyo ay nakakasira sa ating kalikasan, gayang: pagmimina, pagpapagana ng mga enerhiya tulad ng Coal-Fired Electric Power Plant na pinakamaruming source ng enerhiya sa mundo.

Sa 800,000 ektarya na saklaw ng buong kabundukan ng Pilipinas nasa 400,000 ektarya ay ang Sierra Madre,  kapag nagpatuloy ang destruction at tuluyan itong nawala,malaki ang mawawala sa buong Pilipinas. Napakahalaga ng ating kabundukan sana ay patuloy natin itong pangalagaan at protektahan.

Kaya’t inihahandog po namin sa inyo Ang  SIERRA MADRE, ang opisyal na pahayagan ng STEP-SIERRA MADRE (Southern Tagalog for Environmental Development and Protection of Sierra Madre). Ang pahayagang ito ay katuwang sa pagtangkilik sa preserbasyon ng ating kalikasan, isinusulong ang kakayahan at kamulatan ng mamamayan. Ang dyaryo po natin ay tumatanggap ng mga opinyon at kontribusyon sa lahat ng kasapi at kaibigan, kabataan ngayon at sasusunod pang henerasyon. . .

Layunin ng organisasyon ang magbigay ng mga pag-aaral, impormasyon, mapanatili ang ganda at pangangalaga sa kalikasan. Pero limitado lamang ang mga kaalaman na ating kayang ibigay kaya kaagapay ang pahayagang SIERRA MADRE bilang isang guro sa kanyang mga nilalamang pahayag, upang hindi maging katulad ng isang usok at hangin na nawawala, lumilipas, ngunit ang mga pahayag ay nananatili at umuukit sa isipan ng mambabasa.

Lahat tayo ay kasangkot sa mga nangyayari sa kalikasan maging sa lipunan, kaya’t katuwang ng SIERRA MADRE: Ang Dyaryo Natin, halina’t patuloy na mangalaga at magprotekta sa ating inang kalikasan. ###

Pahayag ng NAGSAMMA Lamon Bay para sa Talakayan ng Mamamayan 2016:

Patuloy na dumaranas ng labis na kahirapan ang mga maliliit na mangingisda sa bahagi ng Tayabas Bay at Lamon Bay. Ang tanang yamang-dagat ng dating saganang karagatan ay pinangangambahang tuluyan nang masaid dahil sa patuloy at walang habas na operasyon ng mga iligal na pamalakaya (putok, lason, sudsod, buli-buli atbp.) at pagpasok ng mga komersyal na pamalakaya sa loob ng 15 kilometrong municipal waters na itinatakda ng naunang batas Pangisdaan RA 8550.

Sa pagpasok ng mga malalaking pamalakayang pangisda sa municipal waters, dagdag pa ang hindi masawatang iligal at mapanirang pangingisda, higit na lumiit ang huli at kita ng mga maliliit na mangingisda sa dalawang bay. Samantalang walang malinaw na mga patakaran na sumasaklaw sa mga pagtatayo ng mga fish cages at fishpens at maging mga fishpond at nagsisiksikan sa iilang aquaculture sa probinsya – na nagresulta sa pagkasira ng kapaligiran, pagkalason ng katubigan at pagpapalikas sa mga residente sa mga komunidad.

Ito’y hindi iba sa kalagayan ng mga mangingisda sa buong bansa.
Naging isang malaking parikala na ang mga mamamayan sa Hilagang Quezon (Real, Infanta at Nakar) at maging ng mga residente ng Gitnang Quezon na tone-toneladang nag-iimport ng isda mula Navotas at sa ibang bansa upang matugunan ang maliit na suplay sa pamilihan sa probinsya. Nangyayari ito dahil walang local na bagsakan center at storage facilities na magtitiyak ng kasapatan ng supply ng isda kahit pa sa panahon ng amihanin.

Pinatunayan ng mga pangyayaring ito ang kakapusan ng batas pangisdaan 8550 at ang kainutilan ng mga ahensya ng pamahalaan sa serysong pangangalaga sa ating pangisdaan. Walang naging mahusay na mekanismo para sa implementasyon at enforcement ng batas. Walang kakayahan at kapasidad ang Marina, coast guard, at bantay-dagat sa pagtitiyak ng kaayusan sa pangisdaan.

Kamakailan lamang ay inamyendahan ang ilang probisyon ng RA 8550 o batas pangisdaan sa Pilipinas upang maging RA 10654. Matatandaang maraming mga mangingisda sa Manila Bay ang nagpahayag ng pagtutol (komersyanteng mangingisda) dito dahil pangunahin umano nitong tinutulugsa ang mga komersyal na pamalakaya at sa kabilang banda ay madulas na pagpayag sa pagpasok ng mga dayuhang pamalakaya.

Kinikilala namin ang mga progresibong laman ng Batas pangisdaan RA 10654, na seryosong masawata ang mga iligal na pamalakaya. Subalit ang implementasyon nito ay dapat na matiyak sa lalong medaling panahon. At tiyaking kaisa ang mga maliliit na mangingisda sa pagpapatupad nito.

Gayunpaman, ang mga mangingisda sa ng Hilagang Quezon at Central Quezon ay laging walang katiyakan sa kanilang mga tahanan, sa samu’t saring dahilan gaya ng epekto ng mga kalamidad at pagbabago ng klima, apektado din ang aming mga komunidad ng mga land grabbing ng maimpluwensyang mga tao, kung hindi man ay biktima ng mga demolisyon dahil sa mga proyekto ng mga gobyerno na nagresulta ng sapilitang pagpapalipat sa mga mangingisda palayo sa dagat na pinagkukunan ng kabuhayan.

Dahil dito, hinihingi ng pagkakataon na maitulak patungong batas ang fisherfolk settlement para sa mangingisda, at ito ay pangunahing dapat na tinitiyak ng pamahalaan bilang serbisyo sa mga mangingisda na malaking bilang ng populasyon ng bansa.

Sa eleksyon na ito, ang mga mangingisda ay hindi na lamang mananahimik sa gitna ng dilim. Kami ay papalaot sa lunday ng pagkikibakang electoral upang iluklok ang mga alternatibong lider na tunay na magsisilbi sa mga mangingisda – na asin ng lipunang Pilipino.

NAGSAMMA LAMON BAY (Nagkakaisang Samahan ng Maliliit na Mangingisda sa Lamon Bay)
Pebrero 15, 2016

Lampara

Ni Marjorie Trinanes

Tinatahak mong daan,

di mo masumpungan

Pagkat ika’y binubulag,

May dilim ang katotohanan

Sa Iyong pupuntahan,

Siguraduhin mo lamang

Ang tanglaw mong dala

Ang syang mangingibabaw

Ito ang syang liwanag na dala mo