ni Leni del Rosario
Sinusuong natin ang hirap.
dahil nangarap tayo,
at patuloy pang mangangarap
nadarapa, nasusugatan,
nagsasakripisyo’t nalalagasan.
ngunit buo pa rin ang pag-asa, ang paglaban!
upang tuluyang
masilayan ang bukangliwayway
sa dulo ng karimlan.
dampian ng ngiti ang araw
at marahang kuyumin ang liwanag.
tanganan ang mga gintong silahis
na magbibigay tatag
sa digmaang
ipagwawagi ng mga
nilapastanga’t
binihag
ng balatkayong estadong
hungkag.
Advertisements