Youths Clamor for Genuine Rehabilitation Efforts for Sierra Madre

Infanta, Quezon –Four years after the implementation of Presidential Proclamation 413 by then President Benigno Simeon C. Aquino III, declaring September 26 of every year as Save Sierra Madre Day, the Sierra Mountain Range still faces threats due to various development aggression projects, says  Southern Tagalog for Environmental Development and Protection (STEP-Sierra Madre) – an environmental youth organization in Quezon, Rizal and Laguna; as they hold an Environmental Youth Summit on September 25 entitled SIERRA MADRE: NAGMAHAL, NASAKTAN, NAGPAPASAGIP SA MAMAMAYANG MAKAKALIKASAN.

While the group welcomes the move of the Department of Environment and Natural Resources to order a moratorium to some mining industry operations, “it is imperative to do the same to other destructive business ventures like forest-land conversion that paved way to making Sierra Madre as a spot to Eco-Tourism projects. Permits are still given to few big logging concessionaires those rampantly cutting trees even at the heart of the forested area, while Greening programs prioritize plants like rattan, jathropa, kamoteng-kahoy, yellow corn for bio-diesel, and  used as raw materials in lined with industries’ demands instead of planting native variety of trees,” Mark Almazan – chairperson of STEP-SM lamented.

A month ago, Sierra Madre as a seat for planned construction of big dams made it to the hot spot when four died and two other workers still missing when trapped inside the tunnel of the on-going building of Sumag River Diversion Project in General Nakar, Quezon on the onslaught of South Easterly Wind or Hanging Habagat.

Sumag Dam is designed to optimize the water supply for the Umiray-Angat Transbasin Project, while four more big dams are set to be built in the Kaliwa Transbasin namely: New Centennial Water Source- Kaliwa Dam, Agos Dam, Kanan Dam and Laiban Dam that are expected to enclose major river system in Rizal and Northern Quezon that are feared to endanger many lives to many residents and deprive free access to water and irrigation to agricultural lands in the area.

“Sierra Madre, like all other natural environment has its’ carrying capacity. And at this point, it already reached its limit,” says Almazan. “Thus, rehabilitation effort must be given priority instead of allowing more commercial ventures, even erroneous government projects like the exclusion of more than 10, 000 hectares of lands under Presidential Proclamation 196 from being a Protected Area – that led the way to the distribution of lands to more than 4, 000 CLOA holders that are supposedly small farmers and rebel returnees in Real, Quezon.”

“Unfortunately this became an effective route to concentrate the land to few big businessmen as the farmers have no capacity in the first place to cultivate the lands because it does not fall to agricultural land category as it is 18 slopes above sea level, added by Almazan.

“All these projects, made us think that our dreams preserving our shelter, our culture and securing our Ancestral Domain gets farther and farther, says Jhonny Azcarraga of Dunong at Dangal ng Makabagong Dumagat (DUMAGAT).

“Like the popular hugot memes Nagmahal, Nasaktan…, Sierra Madre loved us, without hesitation shared its bounty to the people that are dependent to her. But now, people are hurting her by extracting all the possible wealth that can get from her for profit at the expense of its’ destruction. Only us can patch things up, by exposing all these destructive activities and be part of a collective efforts toward achieving a sustainable and nature-friendly society”, ended by Almazan.###

Advertisements

Huwag Mong Hayaan

Ni Leni del Rosario :

 

Huwag mong hayaang lapain

Ng sistemang hayok na hayok sa laman

Ang pag-asang nasa dulo

Ng masong tangan-tangan.

 

Huwag mong hayaang sipsipin

Ng sistemang uhaw na uhaw

                             ang sariwang dugong

Dumadaloy sa pag-asang

Bumubuhay sa dulo ng karit.

 

Huwag mong hayaang tuluyang mabulag

Ang nanlalabong diwa ng pag-asang

Binabagabag ng panimdim.

 

Huwag mong hayaang maupos

Ang pag-asang gustong humulagpos

Sa kamalayang tinortyur at namanhid

Sa doktrinang mapalad ang mga inaapi

(At kakamtin nila ang Langit.)

 

Huwag mong hayaang matuyot

Ang katas ng pag-asang

Ididilig sa punlang mag-uusbong

Ng pakikibakang magluluwal

Ng pantay na hustisya, karapatan

At malayang lipunan.

 

Huwag mong hayaan…

            Huwag mong hayaan.

 

                        ***

Eleksyon

Eleksyon na naman dito sa’ting bayan
Uso muli ang mga dayaan
Lantad ang vote-buying, goons at private armies’
At ambush sa mga hot spots na lugar

Hello! Hello Garci, muling mauulit
Lintang Bedol muli ay lilitaw
Bakbakan sa Luzon, Visayas, Mindanao;
Nakangising nakatanaw si Uncle Sam

Koro:

Lay lay lay lay…….

Kanya-kanyang patron na burgis-kumprador
Kandidatong kultura ay manloko
Pangako sya doon, pangako nya dito
‘pag nahalal tana’y mapapako

Ito’y laro ng mga trapo
Kayang bilhin ang iyong pagkatao
Makamit lamang ang iyong boto
Halik kay satanas ay gagawin ng mga pulitiko

Sa eleksyong Moro-moro lahat tayo ay talo
Ang tanong lang, hanggang kailan hahayang manatili ito?
Sa sunod ba’y muling eleksyong moro-moro?

——
2-2-10

Padre Pupong: Pagsamba at Pakikibaka

Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim nyan! – Mateo 6: 22-23

Tatlong taon pa lang ako, pangarap ko na maging pari. Palibhasa galing sa isang sagrado-katolikong pamilya sa Masbate, naging karaniwang tanawin sa akin ang simbahan, mga madre, mga sakristan, at mga padre sa kumbento.

Lalo pang naging malinaw sa akin ang pangarap kong ito nang makilala ko ang tito ko na noo’y kura paroko sa Our Lady of Remedies sa bayan namin sa Placer, Masbate. Karaniwan nang may misa sa kapilya sa baranggay namin pero sa mismong bayan kame nagsimba ni Nanay isang umaga ng linggo. Doon ko unang nakita habang nasa misa ang tiyuhin kong si Padre Gadia. Pagkatapos ng misa ay lumapit kame ni nanay sa kanya para magmano. Kumikislap sa galak ang mga mata ko habang nakatangong nakatingin sa kanya. Hawak ng kanang kamay nya ang nakatuping lila na amice – pahabang tela na sinasampay sa balikat ng pari. Napakagara tingnan ng kanyang pulang alb o abito – kasuotan ng pari.

“Kamusta Manay itong pamangkin ko? Ilang taon na ba ito?” nakangiting tanong ni padre kay nanay. Ngayon lang ako nakarinig ng ganun kababa pero pagkagandang boses.Bagay naman kay padre ang ganung boses dahil malaki sya at may katabaan ang katawan.

“Mabuti ho padre. Makulit at madaldal na. Napakalayo nung sanggol pa nang binyagan ninyo”, nakangiting sagot ni nanay.

Doon ko rin nalaman na si padre pala ang nagbinyag sa akin, isang umagang sinasalanta ang probinsya  ng bagyo. Araw ng kagitingan noon. Aywan kung sinadya nila tatay at nanay na piliin ang araw na iyon para mabinyagan ako kahit masama ang panahon. Mas lalong namilog at kumislap ang aking mga mata.

Pagdating sa bahay, para akong batang kabababa lang mula sa pag-akyat sa ulap. Napakasarap sa pakiramdam na malamang may tito akong pari na sya pang nagbinyag sa akin. Dali-dali kong kinuha ang puti naming kurtina na agad  ibinalabal sa aking katawan para magmukhang sutana. Pagkatapos ay kinuha ko ang necktie ni Tatay sa kanyang damitan, saka isinampay sa aking balikat para magmukhang amice ng pari. Huli kong kinuha ang walang laman na lalagyan ng baby oil sa taas ng aparador. Nilagyan ko ng tubig para kunwari ay holy water.

Nang gayak na ako sa lahat, nilibot ko ang buo naming bahay mula sa kwarto, pumanaog sa kusina hanggang banyo bago lumabas papuntang halamanan ni nanay – winiwisik at iwinawasiwas ang aking holy water at nagdadasal ng gawa-gawa kong bendisyon. Hindi na ako napansin ni nanay na noo’y nasa kanyang maliit na tindahan. Nasa likuran nya ang nakababata kong kapatid na babae sa loob ng crib, na dalawang taon pa noon. Walang malay niyang pinagmamasdan ang ginagawa kong pagbibendisyon.

Itinuring ko na ngang pangalawang tahanan ang kapilya sa lugar namin. Tuwing linggo ay wala kameng liban sa pagsimba ni nanay. Pana-panahon nagsisimba din kame sa simbahan sa bayan para dalawin na rin ang tito kong pari. May pagkakataon pa ngang doon kame sa kumbento natulog dahil wala nang masakyang dyip pagka-alas- 7 pauwi ng barangay naming. At natatandaan kong halos buong gabi akong pinagkatuwaang pakantahin ng mga madre ng iba’t ibang kantang natutunan k okay tatay. Minsan pa ay ipinuwesto nila ako sa  labas ng kwarto ni padre habang kumakanta ng “Usahay – Minsan”.

Akala ko may mananaygon- nanghaharana, sa kumbento. Si bulinggit lang pala!”natatawang sambit ni padre sabay buhat sa akin para ibalik ako kay nanay.

Naputol lang ang pagdalaw namin sa simbahan ng Placer nang lumipat na kameng buong pamilya sa Maynila. Apat na taon pa lamang ako nang sinundan namin si tatay na noo’y nagtatrabaho sa Maynila. Nangupahan kameng mag-anak sa isang komunidad sa Paco. Naiba rin ang aking pangalawang tahanan at dalanginan pero linggo-linggo ay laman pa rin kame ng simbahan.

Gusto ko pa ring maging pari. Kapag tinatanong ako ng mga kapitbahay kung ano ang gusto ko maging paglaki, nakataas kamay kong sinasabi na gusto kong maging pari. Nagagalit ako noon kay nanay kung ipinapanakot sa amin kapag nagkasugat na lalabas ang pari. Para sa akin hindi dapat kinakatakutan o ipinapanakot sa mga bata ang pari.

Nang lumaon pumasok ako sa elementarya at high school para mag-aral. Tiniyak kong maging kabilang sa mga grupo sa simbahan o sa eskwela gaya ng choir, Munting core group, Marian Youth Movement, at Youth for Christ. Ilang panahon nalang ay magtatapos na ako sa sekundarya pero hindi nawala sa isip ko ang maging pari.

Gusto ko lalong maging pari. Sa mga palabas nga sa klase sa Araullo High School ay lagi kong tinitiyak na ako ang gagawa ng script. Tinitiyak ko din na may isang karakter na pari. At laging ang gaganap sa karakter na pari ay ako. Lagi ko na nga ring nagagamit ang pinaglumaang sutana ni kuya, sakristan sa St.Anthony de Padua. Sa sobrang dalas ay nagtataka na nga rin si nanay kung ano na ba ang pinaggagawa ko sa eskwela. At dahil lagi nga akong nakasutana, tinagurian ako sa eskwelahan na padre- si Padre Pupong.

“Padre bless po”, bati sa akin ng mga kaklase sa pagpasok ng classroom. Sa tuwing foundation day ako lang ang tiyak na hindi maipapakasal dahil ako ang laging pari sa marriage booth. Madami na nga akong naikasal sa halagang kinse pesos. Nakasal ko na ang mga hindi ko mabilang na kaklase at mga hindi kakilalang kapwa estudyante kahit mga titser gaya ng mga single na sina Sir dela Cruz at Maam  Guttierez. Wala akong bibliya na pinapahawak sa magkapatong nilang kamay para panumpaan ng tapat nilang pag-iibigan, pero mayroon akong libro na “ang paghahanap ng tao sa diyos” na lagi kong binabasa at dala-dala.

Ewan ko lang kung sineryoso nila Maam at Sir ang pagkasal ko sa kanila dahil nagulat nalang ako dalawang taon matapos kong magtapos sa sekundarya at bumalik  sa Araullo, ay lumapit sila sa akin at natatawang  binalita na totoong mag-asawa na sila at ako daw ang nagkasal sa kanila.

Nalungkot nalang ako pagkagraduate ng high school nang hindi ako makapasok sa seminaryo para mag-aral. Hindi kaya ng karampot na suweldo sa pamamasada ng taxi ni Tatay na pag-aralin ako ng theology o Philosophy dahil ang taas ng tuition fee sa mga seminaryo. Wala naman kasi akong alam na pampublikong seminaryo sa Pilipinas. Ang payo sa akin ay mag-apply daw ng scholarship pero wala naman akong makuha.

Sa State University ako napadpad para mag-aral. Pero kusa pa ring tinunton ng aking mga paa ang mga religious na mga organisasyon para magpamiyembro, sa hangaring baka may mga networks itong makakatulong para ako’y makapag-aral ng pagpapari. Hanggang sa panahong ito ay pina-practice ko din ang celibacy kahit hindi naman ako pari. Hindi pa ako nagkaroon ng karelasyon. Hindi ko binalak. Hindi ako naghanap. Nagustuhan ko ang ganda ng kaklase kong si Rhea pero hindi ako gumawa ng anumang hakbang. Hindi ko din sya masyadong tinitingnan, baka makaisip ako ng kasalanan.

Isang araw, naglunsad ng pakikipamuhay sa Baseco ang aming grupo sa komunidad ng Gasangan sa Baseco. Nakilala namin doon ang mga nanay gaya ni Nanay Iyen. Kakatapos lamang ng sunog sa kanilang lugar. May 100 kabahayan ang nasira. Malapit lang  sila sa dagat pero hindi kaagad maapula ang pagtupok ng apoy sa mga kabahayan dahil masikip ang kanilang lugar. Hindi din naman halos rumeresponde ang bumbero kapag nagkakasunog. Kung dumating man ay tiniyak muna na wala nang masasalbang kabahayan. Mabuti nalang at hindi umabot ang sunog sa bahay ni nanay Iyen, muntik  lang daw, kung hindi naagapan ng mga kalalakihang tulung-tulong na paghakot ng tubig-dagat.

Halos taun-taon nga ay may sunog sa Baseco kaya pangkaraniwan nalang ang sunog sa kapitbahayan nila nanay Iyen. Ang sabi ni nanay Iyen, “laging may sunog dahil matagal na kameng gustong paalisin ng gobyerno dito sa Baseco.” Kahit pa may mga  Presidential Proclamation na nga raw ang mga nagpapalit-palit na Pangulo ng bansa para i-award sa kanila ang lupa pero hindi pa rin ito maipatupad-tupad.

Ang pinakahuli ay nung matapos ang Edsa 3 sa panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Madami daw kasi sa mga Urban Poor  na sumugod sa Malacanang noong Edsa 3 ay galing sa Tondo gaya ng Baseco. Para pakalmahin ang mga tao, prinoklama ni GMA na sa mga tao na ang lupa, pero hanggang ngayon hindi pa rin ito mapanghawakan ng mga residente.

Ilang taon nang maugong ang balitang, balak ng gobyerno gawing eco-tourism belt ang mula  Zambales -Bataan tatagos ng Manila Bay papuntang Batangas – Mindoro dudulo sa Palawan. Para mangyari ito ay kailangang linisin ang Manila Bay at gawing type B ang dagat. Para mangyari ito, ipagbabawal na ang pangingisda dito at palalayasin ang mga Coastal Communities sa kahabaan ng Manila Bay. Tinatayang tatlong Milyong mamamayan ang maaapektuhan nito mula Malabon, Navotas, Maynila, Pasay, Paranaque at Las Pinas.  Ang mga komunidad na pamamalakaya ang pangunahing hanapbuhay ay ililipat sa kabundukang bahagi ng Rizal, Bulacan at Laguna bilang kanilang relokasyon.

“Nay Iyen, kamusta po ang pamumuhay nyo dito?”, tanong ko sa matandang si nanay Iyen. Edad 50 pa lamang sya pero kulubot na ang kamay at mukha, sunog ang balat sa pagbilad sa araw at puting-puti na ang buhok.  Dala daw ng kunsumisyon at problema sa kung paano mairaraos sa araw-araw na pangangailangan ang pamilya para makakain. Magtatahong si nanay Iyen pana-panahon. Kapag mataas ang alon at malabo ang dagat sa Manila bay, ay nangangalakal silang mga nanay o ‘di kaya ay nagbo-boluntaryo sa barangay hall social worker. Masuwerte na kung may iaabot na kaunting pera si kapitan pambili nila ng bigas.

“Ganun pa din iho! Mahirap. Lalo ngang naghirap ang pamumuhay namin dito nang magsara ang pier dyan sa Custom”, mahinang sagot ni nay Iyen. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

“May simbahan po ba dito? Ano po ang mga proyekto nito para sa inyo?”

Papalubog na ang araw sa Manila Bay. Maingay na naglalaro ang mga bata sa labas ng  barung-barong nila nanay Iyen. Unti-unti nang nagsisiuwian ang mga kalalakihang kargador sa Divisoria. Nagsimula na ang pagdalaw ng mga lamok sa paligid.

“Maraming simbahan dito. May sa katoliko, Born Again, JIL, Iglesia ni Cristo at Moske ng mga Muslim. Pana-panahon nagpapa-feeding sa mga bata o namimigay ng mga gamit sa eskwela. Karaniwang pang-isang araw na proyekto ang mga ginagawa nila dito. Kung minsan may mga dayuhan silang kasama para ilibot sa komunidad namin. Para bang isang pambihirang tourist spot ang kahirapan naming nakatira dito. Para kameng mga hayop sa Manila zoo na sinusuri at kinagigiliwan ng mga  taga-labas na tao”,  wika ni nanay Iyen.

Hindi na maaninag ang kanyang mukha. Papadilim palang sa labas pero parang loob ng kuweba sa dilim ang loob ng bahay. Wala silang kuryente sa komunidad. Hinihinging requirements ng MERALCO na makapagbayad sila ng pitong libo, maipakita ang titulo sa lupa at dapat may right of way sa kanilang lugar. Para na rin daw sinabi nito na kahit kailan ay hindi sila magkakaroon ng kuryente sa Baseco.

Dinukot nya  ang posporo sa bulsa ng kanyang daster at kinuha ang gasera sa ilalim ng papag saka sinindihan ang nakausling gasak. Unti-unting naaninag ang pagod na hitsura ni nanay Iyen habang naka-upo sa sahig.

Napatulala ako sa sinabing iyon ni Nanay Iyen. Kanina sa pagpunta papasok sa komunidad ay nakita ko ang magarang simbahan sa bukana ng komunidad. Parang napakalayo ng pagkagara nito sa kahirapang makikita sa loob ng komunidad. Gayong dito nagsisimba ang mga residente ng Baseco na isa sa mga pinakamahirap na komunidad sa Kamaynilaan.

Naisip ko ang naudlot na pangarap na maging pari.

Sa bahay na ni Nanay Iyen ako natulog nung gabing iyon.Dahil delikado na raw bumiyahe at maglakad sa labas. Nagkalat ang mga holdaper, snatcher at hulidap sa Delpan at Divisoria. May umiigting din na patayan ang mga Muslim laban sa grupo ng mga Waray sa agawan ng pwesto sa negosyo. Bukod pa sa mga awayan ng mga grupo ng mga Waray at Ilokano, Cebuano at Batangueno, at personal na alitan ng mga kalalakihang taga-looban dahil sa sugal, alak at babae.  Ang mga kasamahan ko naman ay pinatuloy sa ibang mga bahay ng mga nanay na kasamahan ni Nanay Iyen. Pinagsaluhan namin kasama ang kanyang apat na apo at dalawang byudang anak na babae ang hapunang kaninbaw- kanin at sabaw. Kung minsan daw ay kumakain din sila ng pagpag- pagkaing kinuha sa basura kung talagang walang-wala ang mag-anak.

Sarap na sarap na nilalantakan ng mga bata ang pagkain. Nakaupo lamang sila sa sahig. Walang damit na pang ibaba, nanlilimahid sa dumi ang kanilang lawlaw at lumang t-shirt. Kapansin-pansin ang butod nilang tiyan.

Matapos kumain, naglatag ng mga karton sa sahig. Oras naman para pagsaluhan ng mga lamok ang aming mga balat. Pinalibutan ng mga gamu-gamo ang mapanglaw na ilaw ng gasera. Nagsiksikan kame sa nakalatag na karton para pagtulugan. Naririnig ko pa ang ingay ng programang True Love Coversation ni Papa Jack sa radyo ng kapitbahay.

Nung gabing iyon ay  hindi ako makatulog. Mainit ang paligid pero nakakumot ang buong katawan ng baong malong. Nakamulat lang ang aking mata. Nakatingin sa walang kisameng bubungan ni nanay Iyen na tinakpan ng dilaw na lona para maharangan ang tulo ng tubig ulan. Nag-iisip.

Naglaro sa isip ko ang pangarap kong maging pari; ang larawan ng pamamasada ni tatay. Ang pang-araw-araw na buhay nila nanay Iyen dito sa looban… Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, matrikula sa paaralan, paglaki ng agwat ng mayayamang Pilipino sa mga mahihirap, ang pagsasapribado ng National Food Authority kamakailan…

Hindi ko na nga tiyak kung matutupad ko pa ang pangarap kong maging pari. Kung magkaganun man ay titiyakin kong hindi lamang ako isang pari na nakakulong sa batong simbahan.

Nangangako sa altar habang nakadipang nakalapat ang katawan sa sahig, ang mga deacon bago maging pormal ang kanilang pagiging pari at tuluyang kumalat sa kung saan-saang dioceses at simbahan. Nangangako silang ikakalat ang salita ng Diyos at paglilingkuran ang mamamayan.

Walang katiyakan kung ang pagpapari pa rin ang gusto kong maging sa buhay. Ang alam ko ay may dapat akong iambag sa lipunan. Isasalaysay ko ang kuwento ng mga gaya ni nanay Iyen at sasama sa hangaring hanguin sila sa kahirapan.

Hindi ko pa rin natutupad ang pangarap kong maging pari. Pero paminsan-minsan nakakasalubong ko sa lugar namin ang mga kamag-aral ko nung High School. Gaya nang dati, nagmamano pa rin sila sa akin at tinatawag pa rin  akong padre –  si Padre Pupong.###

Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. Mateo 6: 19