Kalakal


Tulad ng dati,
Maagang nanaog si Nene
Mula sa looban para mangalakal at nang may pambili ng kape pampainit ng sikmura.

Tinungo nya ang tinibag na kalsada sa Sangandaan na kakatapos lang ilatag noong
Nakaraang taon.

Nasipat nya ang mga hanap na nakausling bakal,
Inihanda niya ang kanyang martilyo pantibag sa nakakapit na bato.

Isang bangkay ng lalake ang natutusukan ng bakal sa dibdib,
Sariwa pang umaagos ang dugo at hinuhugasan ang karumihan ng lungsod.

Napa-iling si Nene,
“hindi pa sasapat sa isang kilo
Ang kalakal.”

Leave a comment